United States or Bulgaria ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sagót ni don Jua't, tugón ó hari cong panginoon, icao po ay biguian ngayon Dios nang magandang hapon. Ang sagót nang haring mahal salamat na ualang hangan, sabihin mo't, iyong turan ang sadyá mo't, pinag-lacbay. Ani don Juan at badyá ó daraquilang monarca, ang sadyá co pong talagá hinguil sa pangangasaua.
Iyan nga'i, tanong lahat na sadyá'i, sa pangangasaua, panang enengcanto sila nang haring poon cong amá. Nariya'i, manga príncipe caballero't, manga conde, pauang nangaduahagui sintá nila'i, di nangyari. Sila ay naguing talunan naraig sa carunungan, nang haring aquing magulang naguing bató ang catauán. Nagsiparito't, nag-lacbay ay iyong pacatandaan, itanim sa gunam-gunam at huag mong calilimutan.