United States or Kyrgyzstan ? Vote for the TOP Country of the Week !


Na ang sabi sa historia nang panahong una-una, sa mundo'i nabubuhay pa yaong daquilang monarca. At ang caniyang esposa yaong mariquit, na reina, ang pangala't bansag niya ay si doña Valeriana. Itong hari cong tinuran si don Fernando ang ngalan ang caniyang tinubuan ang Berbaniang caharian. Ang haring sinabi co na ay may tatlóng anác sila, tuturan co't ibabadyá nang inyo ngang maquilala.

CHITO. Magsiquilos cayo at nañgarito na culog sa Cartago at lintic sa Grecia. LUSINO. ¿At saan na roon? CHITO. Sa Real batería. LUSINO. Tauaguin sa batis ang mga babaye. KALINT. ¿Ano? LUSINO. Caunin mo ang sinta co't casi na na sa batisan casama ng ale at dalauang bata na capua lalaqui. DÁMASA. ¡Ina co! DORAY. ¡Ay Dios!

Mapait sa puso't, dibdib iyang gayác mo't, pag-alís, hininga co'i, mapapatid cun icao'i, di co masilip. Isinagót ni don Juan ó haring aquing magulang, sa loob co po'i, masucal mamasdan quitang may damdam. Cundi mo pahintulutan ang aquing pagpapaalam, ay di mo mamamalayan ang pag-alis co't, pagpanao. Sa uinicang ito naman ang hari ay natiguilan, at segurong magtatanan ang príncipeng si don Juan.

Nang sila ay dumating na doon sa labas nang villa, ay nangusap capagdaca si don Juang casi't, sinta. Dito ay quita'i, iiuan icao'i, huag malulumbay, sa pagca't, tantong mahalay pumasoc na gayon lamang. Isinagót nang princesa ó don Juang aquing sintá, ay di maliligalig pa ang mahal mong haring amá. Sagót nang príncipe't, saysay totoo sintá co't, búhay sa iyo nama'i, mahalay di salubungin sa daan.

Nguni aco'i, namamangha ó príncipeng daraquila, lugar na ito'i, lihim nga ay baquin mo naunaua. Isinagót ni don Juan ay abá palabang Buan, paquinga't, aquing tuturan ang sa aquin ay nagtaglay. Isang bungang panaguimpan sa pagtulog co'i, pumucao, ang catulad co't, cabagay ang isang pinag-ulapan. Ang sa bungang tulog co nga na pumucao sa pag-higa, sa ilalim nitong lupa ay mayroong isang tála.

Caya mahal na princesa damit mo po'i, abot cuha, at baca pa ipagdusa nang búhay co't, caloloua. Caya cun uala ring daan ang sinta cong pinag-lacbáy, ibig co pa aquing mamatáy dini po sa aquing lagay. Isinagót nang princesa ó don Juan de Berbania, ngayon mo nga maquiquita tunay na aquing pagsintá.

Ang lagay apat na leguas nang dalauang magsing-liyag, sa malaguing paghihirap cagalita'i, dili hamac. Na sa gayong calayo na at di na niya maquita, hinabol din capagdaca ang nagtaanang dalauá. Nang malapit nang abutan princesa'i, agad nagsaysay, naquita mo na don Juan tayo ngayo'i, aabutan. Cung culanging palad quita ito na ang ating hanga, papataying ualang sala nang haring poon co't, amá.

Niyong sila'i, aalis na at oouí sa Berbania, ay nangusap capagdaca ang princesa Leonora. O don Juang aquing búhay ay aquing nacalimutan, ang singsing cong minamahal sa lamesa ay naiuan. Anang príncipe at badyá cayo'i, maghintay aniya at aquing cucunin muna yaong singsing nang princesa. Ani doña Leonora huag na guilio co't, sintá, cun paroon cang mag-isá malaqui cong ala-ala.