United States or Canada ? Vote for the TOP Country of the Week !
Hinabol nanga't, sinundan ang dalauang nagtaanan, nang sila'i, maa-abutan ang princesa ay nagsaysay. Don Jua'i, naririto na ang habol ay malapit na, panganib quitang dalauá sa hari na aquing amá. Tingnan mo ang calacasan nang cabayo mong iniuan, quita ngayo'i, aabutan dito sa guitna nang parang. Ang guinaua nang princesa niyong aabutan sila, inilaglag capagdaca ang carayom niyang dalá.
Tuturuan quitang tambing nang paraan mong gagauin, at nang hindi ca patayin nang cabayong mamansohín. Cun icao'i, lalapit bagá doon sa caballeriza, matá nito'i, magbabaga nacatatacot maquita. Cun aayao magpa-silla ang cabayo'i, mag-aarma, palo't, dagoc na lahat na ng gauín mo sa caniya. Nguni't, icao ay mangilag sa dambá niya at sicat, at ang cucó'i, matatalas ang lamán mo'i, mauaualat.