United States or Sri Lanka ? Vote for the TOP Country of the Week !
Tuturuan quitang tambing nang paraan mong gagauin, at nang hindi ca patayin nang cabayong mamansohín. Cun icao'i, lalapit bagá doon sa caballeriza, matá nito'i, magbabaga nacatatacot maquita. Cun aayao magpa-silla ang cabayo'i, mag-aarma, palo't, dagoc na lahat na ng gauín mo sa caniya. Nguni't, icao ay mangilag sa dambá niya at sicat, at ang cucó'i, matatalas ang lamán mo'i, mauaualat.
Tinauag na si don Juan doon sa porterong bahay, siya nama'i, di sumuay naparoon capagcuan. Anitong hari at saysay ngayon ay iyong paquingan, at sa aquing cautusán sundin mo't, huag maliban. Aco'i, may isang cabayo ay mailáp na totoo, hindi pa sinasac-yan co sa umaga'i, mansohín mo. Cunin sa caballeriza doon natatali siya, sampú nang freno at silla naroon ding para-para.