United States or Laos ? Vote for the TOP Country of the Week !
Tinauag na si don Juan doon sa porterong bahay, siya nama'i, di sumuay naparoon capagcuan. Anitong hari at saysay ngayon ay iyong paquingan, at sa aquing cautusán sundin mo't, huag maliban. Aco'i, may isang cabayo ay mailáp na totoo, hindi pa sinasac-yan co sa umaga'i, mansohín mo. Cunin sa caballeriza doon natatali siya, sampú nang freno at silla naroon ding para-para.
Ang utos niya'i, ganitó siya rao ay may cabayo, ay mailáp na totoo, bucas dao ay mansohín co. Sagót nang princesang mahal ó sinta co't, aquing búhay, baca di mo naalaman ang cabayong tuturuan. Siya rin nga at di iba sa cabayo ay papara, saca ang rienda'i, silla ang capatid cong dalaua. At aco ang freno naman nang cabayo mong sasac-yan, icao ay magpacatimbang at doon ca mamamatay.