United States or Cameroon ? Vote for the TOP Country of the Week !


Masama dito sa ganitong saquit ang aguardiente, at ang ibang man~ga maiinit na bagay, pati nang man~ga ungüentong may tabá. Mayroon namang tauong binabalingtamad, na gamutin man nang paanyo, ay hindi gungmagaling, bagcus lungmulubha; itong ganitong maysaquit ay magaling pa sa caniya ang houag gamutin, lalo pa cun matanda. Ang saquit na pinan~gan~ganlang piyo, sa uicang castila,i, gota.

Ualang maalamang gamot sa gota , ó piyo: at masama namang gamutin, sa pagca mauala man yaong saquit na yao,i, mamamatay caalam-alam nang biglang pagcamatay ang may catauan, ayon sa uica ni Buchan. Caya ang sasabihin co lamang n~gayon, ay ang magaling gauin sa maysaquit na inuurun~gan nang piyo.

Ang saquit na ang pan~gala,i, piyo ay marahil mamahay sa paa; ang damdam nang maysaquit ay siya,i, dinaraanan, ó binubusan nang malamig na tubig sa caniyang paa; cun minsan ang damdam niya,i, anaqui linalagari, ó binabatac, ó pinapaso ang man~ga daliri nang paa. Mayroon namang tauo, na pinipiyo sa camay ó sa ibang lugar nang catauan.

Cun baga nahahalatang hinihica ang may catauan dahil sa pag-urong nang ibang saquit para nang galis, buni, ó piyo , ay magaling doon ang parapit número 36 sa binti ó sa talampacan ayon sa aral sa capítulo 54.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap