United States or Somalia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ualang maalamang gamot sa gota , ó piyo: at masama namang gamutin, sa pagca mauala man yaong saquit na yao,i, mamamatay caalam-alam nang biglang pagcamatay ang may catauan, ayon sa uica ni Buchan. Caya ang sasabihin co lamang n~gayon, ay ang magaling gauin sa maysaquit na inuurun~gan nang piyo.
Masama dito sa ganitong saquit ang aguardiente, at ang ibang man~ga maiinit na bagay, pati nang man~ga ungüentong may tabá. Mayroon namang tauong binabalingtamad, na gamutin man nang paanyo, ay hindi gungmagaling, bagcus lungmulubha; itong ganitong maysaquit ay magaling pa sa caniya ang houag gamutin, lalo pa cun matanda. Ang saquit na pinan~gan~ganlang piyo, sa uicang castila,i, gota.
Ang gamot sa hindi macaquita, magaling man ang caniyang mata, na ang tauag nang castila doo,i, gota serena. Mayroong tauo, na cun tingnan ang caniyang mata, ay anaqui para nang mata nang ibang tauo, datapoua,i, hindi siya macacaquita; cun baga caya hindi siya macaquita, ay sapagca nalubay, ó ga namatay ang cabagsican nang litid nang mata, ay ualang magauang gamot doon.
Salita Ng Araw