Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na-update: Hunyo 28, 2025
At wala ring pinag-ibhan sa "dampiohan", na kung isusulat ngayon ay "dampiyohan", na: "Halina, irog co,t, ang damit co,i, tingnán, ang hindi mo ibig dampioháng calauang"... Paano nga ang gagawin, kung ang "dampiohan" ay isusulat ng "dampiyohan", ayon sa bagong pagsulat? Mapaiikli kaya ang "dampiyohang kalawang", upang maging sukat sa pantig?
Ang "kinalalagian" o ang "kinalalagyan"? Maimamatuwid, na labis ang pantig ng "kinalalagian", kaya tama ang "kinalalagyan"; subali't maimamatuwid namang labis din ang kasunod na talata, labingtatlo rin ang "binabacas co rin sa masayang doongan", nguni't iginalang ito at di iniklian.
At parang pangkatapusan ay minarapat naming daliriin din ang mga sumusunod: LAURA. Para kay Balagtas, ang "Laura" ay maaaring gawing dalawa o tatlong pantig. Tatlo sa ganitong halimbawa at iba pa: "Uala na Laura,t, icao nan~ga lamang ang macalulunas niyaring cahirapan"...
"at niyaring nasapit". Ganito rin ang kay De los Santos at ang sa isang ginoong nagngangalang Cecilio Rivera; subali't ang sa "Kun sino ..." at kay P. Sayo ay nawalan ng "at". Napaghahalatang kusang inalis, upang maging sukát ang bilang ng pantig. Labis nga naman sa labingdalawa ang may "at". Kaya, inalis ito.
At nariyan ang sa palagay namin ay isang kamalian pa hanga ngayon ng tanang manunula ngayon. Pawang matapat, halos ay bulag, at walang kapasupasubaling lingkod at alipin ng bilang ng mga pantig sa pagkakasulat. Ipinaaalipin sa Ortograpía pati ng tingig at aliw-iw ng tula, at walang kalayalaya ang lipad ng diwa at pitlag ng kaluluwa.
At sakaling "dampiohan" ay ano at papapalitan natin sa para sa kanya naman ay iisang bigkas lamang ang "iya", "iyo" atbp. ayon sa mga halimbawang dinaliri, at para sa kanya'y lalong mahalaga ang "bilang ng pantig sa pangungusap" kay sa "bilang ng pantig ng pagkakasulat"? Tungkol sa "nadararáng", sa tulang: "caloloua,i, gulo,t, púso,i, nadararáng sa nin~gas n~g sintang bago cong naticmán."
Sa pamamagitan nito, ang kagarilan ng "aquing napangarap nasabi sa iyó" ay naging pagkasarapsarap sa "aking napangarap at nasabi sa iyo". Na, labis naman dito ang bilang ng pantig? Labis nga, sa pagkakasulat, nguni't hindi sa pamimigkas. Kahalintulad lamang ng mga halimbawang nadaliri na sa ika 20, ika 45 at ika 46 na paliwanag.
Ang pagkakasulat ng "dica" ay isang maliwanag na kamalian, na kay damidaming kasama sa aklat na ito, sa kasalanan ng limbagan. Pinapagsasama ang mga salitang tig-isang pantig, at may mga salita namang ginagawang parang dalawa o higit pa, kung minsan. "sa mahal mong yapac" at di "sa bakas ng yapak", gaya ng nasa "Kun sino ..." Kay P. Sayo ay "sa mahal mong yapak" din. Gayon din kay De los Santos.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap