Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !

Na-update: Mayo 24, 2025


Itong bundóc na mataas tibaguin mo nang mapatag, at doon mo nga icalat itong trigong aquing hauac. Ngayon din iyong itanim gabing ito'i, tumubo rin, sa gabing ito'i, gayon din iyo namang aanihin. At sa gabing ito naman ay gagauin mong tinapay, sa lamesa co'i, maguisnan cacanin co sa almusal. Quinuha na ni don Juan yaóng trigong ibinigay, doon sa porterong bahay biniguian nang tatahanan.

Saca itong bahay sampong jardin dito malipat n~gayon din sa Españang reino, itayó sa piling nang real palacio maguisnan n~g hari at reinang iná co. Cahilin~gang lahat naganáp pagdaca nang in~gat na bató niyang encantada, maguising ang hari niyong maumaga n~g siya,i, dumun~gao ay naquita niya.

Mapahapong á las cinco nag-utos sa isang criado, si don Jua'i, tauaguin mo at siya'i, hinihintay co. Naparoo't, di sumuay itong príncipeng timtiman, anang hari'i, paquingan itong aquing cautusán. Ngayon sa gabing magdamag paua mong alising lahát, castillo at baterías huag cong maguisnan bucas. At sa dati'i, isauli mo tapat nang durungauan co, sa umaga'i, maguisnan co huag na hindi sundin mo.

Na sa capanahonan ay inyong pagsaquitan, at ang aral na ito,i, casabáy nang gatas na ipasuso sa anac, pasundan nang mabuting halimbaua, halimbauang sa inyo,i, maguisnan, at maquiquita ninyo na ang magandang aral ay maguiguing magaling na asal na di mabibitiuan cun di casabáy nang búháy.

Ay ano'i, nang matapos na yaón utos sa caniya, si don Juan ay nalis na sa bahay nuí pagdaca. Niyong magabi na naman nanaog na capagcuan, ang princesang matimtiman pinaroonan si don Juan. Tinanong na capagdaca na cun anong utós bagá anang príncipe at badyá ganito ay maquinig ca. Ang castillong nalalagay sampó nang batería naman búcas huag nang maguisnan nang haring iyong magulang.

Ang utos niya sa aquin ó sintá co't, aquing guilio, ganito ay iyong dinguin at aquing ipagtuturing. Yaong bundóc na nariyan aquing palacarin naman, at caniya rao maguisnan sa tapát nang durungauan. At ang hanging magahasa doon sa bundóc tatama, at sa pág-ihip na biglá ay pumasoc sa bintana. Sagót ni doña María cun yaon ang utos niya, huag cang mag-ala-ala aco'i, siyang bahala na.

Salita Ng Araw

magitan

Ang iba ay Naghahanap