United States or Åland ? Vote for the TOP Country of the Week !


Mapahapong á las cinco nag-utos sa isang criado, si don Jua'i, tauaguin mo at siya'i, hinihintay co. Naparoo't, di sumuay itong príncipeng timtiman, anang hari'i, paquingan itong aquing cautusán. Ngayon sa gabing magdamag paua mong alising lahát, castillo at baterías huag cong maguisnan bucas. At sa dati'i, isauli mo tapat nang durungauan co, sa umaga'i, maguisnan co huag na hindi sundin mo.

Ano'i, nang quinabucasan ang criado'i, inutusan, tauaguin mo si don Juan dito'i, aquing hinihintáy. Naparoón na ang criado sa bahay niyong portero, aco'i, inutusan dito nang haring si don Salermo. Icao ay inaanyayahan doon sa palacio real, sumama't, hindi sumuay sa criadong inutusan. Nang dumating sa palacio uica nang hari'i, ganito, don Jua'i, may damdam aco masaquit ang aquing ulo.

Cun baga maguiguing dapat ang Berbania cong ciudad, masama't, mapaquilangcap sa iyong coronang hauac. Ang uica nang haring mahál icao ay pumanhic naman, at quita'i, magsalitaan dini sa palacio real. Ang sagót ni don Juan iyan po'i, di pasasaan, ang hintay co'i, pag-utusan nang aquing macacayanan. Nang sa haring mapaquingan ay tinauag capagcuan, yaong criado niyang hirang ito ang siyang tinuran.

At nagtagong uli siya nang hindi bagá maquita, nang umahon ang princesa ang damit niya'i, uala na. Sabihin pa nga ang galit nitong princesang mariquít, nang di maquita ang damit ito ang ipinagsulit. Sino cayang lapastangan ang naparitong nagnacao, ó baca ang criado naman nang haring aquing magulang.

Salita Ng Araw

nabinat

Ang iba ay Naghahanap