United States or Nepal ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang ibang man~ga pasucang bilin doon sa número 34 at sa 35, ay paraparang magaling din, at ualang liuag. Ang mangagamot ay macapipili doon nang balang caniyang ibig. Cun mayroong pupurgahing tauo, ang bilin sa número 21, sa macatouid, ang jalapa, sen at crémor ay totoong buti. Datapoua cun ang pupurgahin ay babaying buntis, sucat na roon ang maná ó cañafistula timbang cahati.

N~guni ang babaying dati nang mahina,t, masasactin, na marahil urun~gan nang sa panahon, ay gagamutin para nang ituturo co n~gayon; sa macatouid, ang maysaquit ay capilitang lumacad arao-arao, at magpasial, ó sumacay sa cabayo, na yaon ang lalong magaling sa lahat. Houag siyang cacain nang sala, ó nang man~ga cun ano ano.

Ang maysaquit ay mabuti palonoquin arao-arao nang bilin sa número 57. Cun ang escirro ay sungmamá at naguing cancro na, magsugat man di man magsugat, ay yaon din ang gagauin, sa macatouid ang tapal número 60, at ang bilin sa número 57. Ang sibol sa suso nang babayi na ang pan~gala,i, zaratán ay gagamutin para nang turo sa párrafo 489. Nota 1.

Bagaybagay ang sungmisibol na masama sa catauan nang tauo, sa macatouid; ang pigsa, ang baga, ang tiboc, ang taguihauat, ang cancro, at ang iba pa na may canicaniyang pan~galan. Cun inaacalang may sisibol sa catauan, agad agad ay pacacactan sa linta yaong lugar na masaquit na namamaga na, ó palibot doon sa talagang sisibulan.

Sucat na roon cun minsan ang siya,i, uminom nang maraming malamig na tubig, at lumiban siya sa isang pagcain arao-arao, at houag siyang cumain nang man~ga maliliuag matunao sa sicmura niya. Cun mayroong tauong pasusucahin, ay doon sa man~ga número 34 at sa 35, maquiquita nang mangagamot ang ugaling pasucang guinagamit sa man~ga castila, sa macatouid, ang tártaro emético at ang ipecacuana.

Salita Ng Araw

nabinat

Ang iba ay Naghahanap