United States or Slovakia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Yaong kapalaran kung sila'y dalawin ay di mamalagi at umaalis din parang sinasabik sa sandaling aliw at kung magdalita nama'y sapinsapin. Anopa't ang lahat nang sa Mundong silo sa maginang yao'y walang nabibigo ginagawa nilang aliwan nang puso yaong walang awang hirap kung bumugso.

Paris n~gayon: ¡hindi ko maalaman kung saan na nakarating ang kuyang mo sa kahahanap!... Kapapanaog pa lamang niya. ¿Nanggaling na rito? Oo.... ¿Ano ang sabi sa iyo? Wala naman. Nakabuti ang pagkakataong narito si manang Magda nang siya'y dumating. N~guni't gayon ma'y lihim ding naihagis sa akin ang isang nanglilisik na tin~ging kamuntik nang tumupok sa akin....

Nagpakamatay siya sapagka't ang pagsusukab na iyon ng kaisangpuso ay hindi na niya nais pang masilayan upang huwag makapagbigay sa kanyang kalooban ng marungis na lusak ng kapalaran. Nagpakamatay siya sapagka't ninais niya ang mangilag sa kataksilang ginawa sa kanyang pagkatao ng kanyang kaisa na ang pagtataksil na iyon ay magbubunga ng kung ano anong masasamang kasiraan sa isang tao.

Mabuti kang tao , pagka't nabasa mo na halos lahát n~g nobela sa kahíhirám, n~guni't masama kang kristiyano , pagka't pinápatáy mo ang m~ga kumatha at nagpalimbág at ayaw kang bumilí n~g iyó, gayóng pinagkagastahán nilá. ¿Saán mabubuhay ang kuto, kung hindi sa ulo?

¿Anó po ang nangyari? ¿Anó po ang kinasapitan? ang sabáy-sabáy na tanun~gan n~g marami. Wala; ang m~ga mamumuhunan ay ayaw na duminig sa daing nating lahat; sila ay nagpapakatigás ... ang tugón din n~g pan~gulo. Kung gayon, tayo'y magsiaklás. ang sigaw n~g isang manggagawa. ¡¡Magsiaklás...!! ¡¡Magsiaklás ...!! ang ulit-ulit na sigawan n~g marami.

Pagkatapos na mailibing ang bangkay ay nagdiriwang n~g isang kasayahan sa ikatlong araw na ang tawag ani P. San Antonio, ay tibaw at sa bahay n~g namatayan idinaraos . Sa pagdiriwan n~g kasayahang ito ay naglalagay sa pintuan n~g bahay n~g isang pasóng tubig upang mapaghugasan, n~g isang banig na may abo upang mabakas ang m~ga paa sa pagpasok; at sa dulang ay tinataanan n~g pinakapan~gulong upuan ang namatay saka nagkakaina't naglalasin~gan na tuloy inaawit ang pamumuhay at kagalin~gan n~g namatay, kung siya'y naging magaling na man~gan~gaso ó mamamalakaya ó sa ibang bagay kaya.

"Nguni't kung minsán ay kailangang gumawâ ng masamâ upang matamó ang isang kabutihan. "Kailangang barilín ng isáng pinunò ang sundálo niyáng tumátakbó sa labanán upang ang ibá ay huwag magáyang umúrong. "Kailangang sugátan ang bató upang mapalabás ang kanyáng apoy. "Ngayon: alam na ninyó kung bakit kayo'y aming dinay

Marami at madla ang m~ga kandidato na ang han~garin lamang ay kapurihan ó madan~gal, at wala yaong tunay na tibukin n~g paglilinkod sa bayan, lalo na sa m~ga maralita. Kung ang m~ga ito ang inyong maihalal ay walang iniwan kayo sa Hudas na nagkanulo sa inyong Mananakop, na, kayo rin ang humanap n~g taling ginamit ninyo sa inyong pagbibigti.

Ang itak, ang sandok, ang saro, ang pingan, ang walis, pamunas, lamesa't upuan, tanang kasankapang kaliit liitan may kani-kaniyang dapat na kalagyan. Makita mo'y kahit iisang karayom na kakalat-kalat ó kaya natapon, pulutin mo agad at ilagay doon sa kung saan dapat, sa lalagyáng ukol.

Kaya; kung minamainam mo ito guiliw kong kababayan, ay pakitandaan ang m~ga nangyari; pulutin at itanim ang m~ga binhi n~g katwiran upang sa araw na kailan~gan natin ay salo salo tayong magani n~g masarap na bun~ga n~g kaguinhawahang inilaan sa atin n~g sa atin ay Kumapal.

Salita Ng Araw

maglalasing

Ang iba ay Naghahanap