United States or United States Virgin Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !
At, makalipas ang ilang sandali na hindi niya hinihintay ay may kumatog sa kanyang pintuan ng silid at sinabing: Sulat po. Kaya, pagkaalam niyang may sulat para sa kanya ay dagling tumindig at inabot sa may dala. Kaninong liham kaya iyon? Kay Leoning kaya? Sinulatan pa kaya siya ni Leoning gayong hindi na siya ang magiging kaisangpuso? At kanyang binuksan. Kay Leoning buhat ang kanyang nawika.
Nagpakamatay siya sapagka't ang pagsusukab na iyon ng kaisangpuso ay hindi na niya nais pang masilayan upang huwag makapagbigay sa kanyang kalooban ng marungis na lusak ng kapalaran. Nagpakamatay siya sapagka't ninais niya ang mangilag sa kataksilang ginawa sa kanyang pagkatao ng kanyang kaisa na ang pagtataksil na iyon ay magbubunga ng kung ano anong masasamang kasiraan sa isang tao.