United States or Georgia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Hangan ñgayon oras na ito, na itinatala co sa papel ang nangyari sa mag-anac na don Andrés Baticot, ay hindi co maisip-isip, hindi aco macapag-aacala man lamang, cung sino caya ang nag-odyoc ó humicayat sa naturang Dales, sa pagsouay sa matouid na hatol nang cagalang-galang na Padre Cura namin.

Si cabezang Dales ang pinag-abutan nang bantay nang inulit na sulat; at nang basahin ni Dales ang nasusulat sa sobre , ay agad-agad iniabot cay Felicitas, ang uica,t, sigao: ¡Pili! ¡Pili!; parini ca; cunin mo; itong sulat ay para sa iyo: madali ca at basahin mo, at seguro,i , sulat nang capatid mo.

Nagpaalam na si Felicitas, at nang dacong hapon niyong ding arao na yao,i, nagpasial ang aming Cura, at naparaan sa tapat nang bahay nina cabezang Dales.

Lumaqui itong dalauang anac ni cabezang Dales, at naguing bagong tauo at dalaga, at baga man anac sila nang mayayaman, ay sila una-una,i, gumugusar nang manga catungculan nang bagong tauo at dalaga sa panahong yaon, sa pagrorosario baga, sa pagsisimba cung sabado, sa pagdarasal, sa paggamas sa patio nang Simbahan, at sa iba,t, iba pang ugaling gauin nang manga bagongtauo at dalaga.

Baga man ticang-tica nang loob ni cabezang Andrés, na paluluasi,t, paluluasin sa Maynila ang caniyang anac, na si Próspero, ay pinaquingan din ang matouid, at malaman, at mainit na salita ni Felicitas; at baga man hindi sumagot cay Pili, doon sa oras na yaon, nang isa mang uica, ay nang quinabucasan niyon, ay naparoon si cabezang Dales sa Convento, hinanap niya ang aming mahal na Padre Cura, at doon cumuha nang sanguni.

Ang ngalan nang ama ay si D. Andrés Baticot na Cabezang pasado , na cung tauaguin dito,i, si cabezang Dales; ang pangalan nang ina, ay si D.a Maria Dimaniuala, na cung tauaguin ay si cabezang Angi; at ang ngalan naman nang canilang dalauang anac, ay si Prospero ang lalaqui, at si Felicitas ang babayi, na cung tauaguin ay si Proper at si Pili.

Ang ibig co, lamang, Amo, ang uica ni Dales, ay ang mag-aral si Prospero nang caunting paquiquipagcapoua tauo, at natatanto rin, ninyo, na dito sa ating bayan, ay hañgal na hañgal ang tauo, na halos hindi marunong sumagot, cung causapin ninyo, cundi tanuñgin po, ninyo silang tungcol sa mañga calabao, mañga palayan, mañga caiñgin ó ibang ganito.

Iyan, , ang sagot nang caramihan, iyan, ,i, ang estudianteng anac ni cabezang Dales. Iyan, , ang capatid ni Pili, ang sigao nang iba. Iyan, , ang uica naman nang isang dalaguitang naroroon sa plaza , iyan, ,i, si "Batícot na cabanal-banalan", cung tauaguin naming mañga bata doon sa ilaya.

Dahilan dito,i nagdadalamhating palagui ang loob ni Dales, at lalong-lalong naragdagan itong cadalamhatian nang caniyang loob, nang mabalitaan niya, ang mañga cabaliuang guinagaua ni Próspero sa mañga babayi, at ang mañga pagcacautang-utang niya cung saan-saan.

Di co man sabihin, acala co,i, mapaguauari rin nang sino mang bumabasa nitong aquing casulatan ang cadalamhatian nang loob at casicpan nang dibdib nang mag-asaua ni Dales sa canilang paglacad.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap