United States or Guadeloupe ? Vote for the TOP Country of the Week !


Nang maguing dalauang buang buhat nang pag-alis ni Próspero dito sa bayan, ay may dumating sa Tribunal isang sulat, na galing sa correo , at ang nababasa sa sobre , o sa taquip, baga, nang sulat ay ganito: Distrito de Morong A la señorita doña Felicitas Baticot en el pueblo de Tanay. ¿Sino, baga, itong mahal na Princesang natatago dito sa atin?

Iyan, , ang sagot nang caramihan, iyan, ,i, ang estudianteng anac ni cabezang Dales. Iyan, , ang capatid ni Pili, ang sigao nang iba. Iyan, , ang uica naman nang isang dalaguitang naroroon sa plaza , iyan, ,i, si "Batícot na cabanal-banalan", cung tauaguin naming mañga bata doon sa ilaya.

Hangan ñgayon oras na ito, na itinatala co sa papel ang nangyari sa mag-anac na don Andrés Baticot, ay hindi co maisip-isip, hindi aco macapag-aacala man lamang, cung sino caya ang nag-odyoc ó humicayat sa naturang Dales, sa pagsouay sa matouid na hatol nang cagalang-galang na Padre Cura namin.

Ipagpacomusta, , ninyo aco cay tatay at cay Pili, at sa lahat nang camaganac at caquilala natin, at mag-utos, , cayo nang balang nasa inyong mababang lincod at masintahing anac, na si Próspero Baticot. Di masaysay ang toua,t, saya ni cabezang Angi nang mapagtalastas niya ang cahulugan nitong sulat nang caniyang anac.

Ipinagtatagubilin cong totoo sa iyo, Proper, ang pagdarasal nang Santo Rosario gabi-gabi, nang icao,i, tuluñgan at ampunin nang mahal na Virgen sa lahat na mañga pañganib. Ang Pañginoon Dios ang mag-iñgat sa iyo at sa ating lahat, at mag-utos ca, nang balang maguing calooban mo, sa iyong caauaauang capatid, na si, Felicitas Baticot.

Comusta nang maraming-marami si tatay at si nanay, pati ibang mañga camag-anac natin. Ipagpacomusta mo aco naman cay Doni anac ni Capitang Valer, at mag-utos ca nang balang maguing calooban mo dito sa cababa-babaan mong capatid, na si Prospero Baticot.

Ipagcumusta mo aco cay tatay at cay nanay at sa lahat na, at sabihin mo cay nanay, na malacas ang pagtaba co,t, palagui dito sa Maynila. Ipagcomusta mo naman aco cay Doni, at mag-utos ca nang balang macacayanan nang mababa mong capatid na si, Próspero Baticot.

Ang ngalan nang ama ay si D. Andrés Baticot na Cabezang pasado , na cung tauaguin dito,i, si cabezang Dales; ang pangalan nang ina, ay si D.a Maria Dimaniuala, na cung tauaguin ay si cabezang Angi; at ang ngalan naman nang canilang dalauang anac, ay si Prospero ang lalaqui, at si Felicitas ang babayi, na cung tauaguin ay si Proper at si Pili.