United States or Mozambique ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang icalabing isang cahin~gian ay ang tacot sa Dios sapagca,t, pinagpapala nang Lan~git. Ang uica nang Dios Espiritu Santo,i, ang calolouang may tacot sa Dios, ay hinahanap at pinacamamahal at pagpapalain naman nang Dios. Ang Dios ang canilang pinananaligan na magtatangcacal sa canila,i, ang mata naman nang Dios ay parating lin~gap sa nananalig at umiibig sa caniya.

Ang man~ga Puno nang santa Iglesia, sa macatouid, ang santo Papa at ang man~ga Poong Cardenal na pinatungculan niya, sampon nang man~ga Guinoong Obispo, ay mayroon silang capangyarihan macapagbabaual nang balang mamasam-in nilang librong icasasama nang man~ga calolouang quinacalin~ga nila; at caya n~ga catungculan naman nang baua,t, sino mang cristianong sundi,t, ganaping lubos ang canilang man~ga utos tungcol dito.

Caya uala acong sucat maihatol sa caniya, cun di ang ilagui ang loob sa cabaitan, magpasalamat sa Dios at ipinagtangcacal ang caniyang calinisan sa pan~ganib na icasisira, at ang tularan niya,i, yaong calolouang nagpasalamat sa Dios, at ang saysay: aco,i, magpupuring palagui sa iyo, Dios cong nagtangcacal sa aquin, at iniadía mo ang calinisan co sa capahamacan.

Pag nagcagayon na,i, ¿ano pa ang quinasasapitan nitong calolouang anac nang Dios sa gracia, cun di ang maguing alipin ni Satanás sa sala? ¿Nasaan ang cabaitan, nasaan ang calinauan nang isip, baquit cun nalalasing na,i, cahit aglahiin, cahit pagtauanán ay di dinaramdam, at palibhasa,i, di nacaquiquilala?

Halos di n~ga magcasiya sa loob nang babaying yaon ang sisi sa sarili, at napag-unaua na ang pan~gan~galacal niya,i, lubhang di carapat-dapat sa isang calolouang may iniin~gatan pang cahihiyan at pagquilala sa Dios; caya n~ga,t, minabuti niyang lisanin magpacailan man ang paghahanap buhay na yaon.

Catapustapusan ay nagcasaquit, at lumubhâ ang lalaquing ito, at sa lagay na iyon ay nabalisa ang maauaing babayi, na dating tumitin~gin sa caniya, at sa paghanap nang magagaling na paraan, nang huag mapacasamâ ang calolouang yaon na tinubos ni Jesucristo nang caniyang dugô, ay naalaala ang malaquing capangyarihan nang pagdaló ni San Josef sa tauong mamamatay, at iniamó sa Santo Patriarca na siya ay tulun~gan, at ipinan~gacong dadasalín sa pitong arao na Domingo ang dating quinauiuilihang devocion nang caniyang man~ga sáquit at ligaya, nang macamtan ang tunay na pagbabalic loob nang lalaquing nararatay, na ipinananalan~gin niya.

Salita Ng Araw

nagpacahandusay

Ang iba ay Naghahanap