Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na-update: Mayo 20, 2025
Marami sana ang masasabi co tungcol dito sa bagong nangyaring ito; subali,t, nang houag baga,i, mapacahaba ang aquing salita, ay lalactauan co ang marami at malamán na mañga bagay-bagay, at sasabihin co lamang itong mañga susunod: Sa malaquing pag-ibig ni cabezang Angi, na macaligtas at macalabas sa carcel ang caniyang anac, na si Próspero, at macaoui dito sa bayan, ay ipinagbili niya ang lahat-lahat nang pag-aari nila; pati bahay, pati solar , pati alhajas , na ualang-ualang natira sa canilang mag-ina ni Felicitas, cundi ang canilang damit lamang.
Dito sa boong bayang ito,i, uala cayong ibang mariringig cundi manga pagpupuri sa naturan cong manga tauo, palibhasa,i, mababanal sila,t, masimbahin; maauain sa manga pobre at mahihirap na tauo; masusunurin sa manga utos nang Dios, nang Padre Cura, at nang manga Justicia na cung sabihin co sa catagang uica at: ualang-ualang sucat ipagpintas sa canila sa ano pa mang bagay.
Ay ualang-ualang ibang dahilan, cung sa aquing pagcatalastas, cundi ang malaqui at locong pag-ibig nang mag-asaua ni Dales, na ang canilang anac na si Próspero,i, mag-aral sa Maynila.
Ualang-ualang ibang dahilan, cung sa aquing acala, cundi ang catigasan nang ulo nang naturang mag-asaua, at ang caayauan nilang maquinig nang mañga matotouid na hatol nang aming Padre Cura, at nang mañga mahigpit na capamanhican sa canila ni Felicitas, na houag bagang papag-aralin nila si Próspero sa Maynila.
Ang tayo nang loob nang mag-anac ni cabezang Dales sa panahong yao,i, ganito: Si cabezang Andrés ay nagmamasid na totoo cay Prospero, datapoua,t, namamalisa siya,t, hindi natututong mamintas ó magpuri caya sa ugali niya. Ang puso ni cabezang Angi ay gaibig pumutoc, gaua nang malaquing toua niya, at ualang-ualang di ipinupuri niya sa caniyang anac.
Ay ualang-ualang iba, cung sa naquiquita co at pinagmamasdan, cundi ang pagsosoot nang matitigas; ang pagmamarunong; ang pagpapaquialam min sa lahat nang bagay; ang pambababayi; ang pagbabañgon nang usap sa mañga ualang casaysayan, at ang pagpapalalo sa lahat.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap