United States or Czechia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Hindi macapaghahalal at gayon ding hindi mahahalal na Tagatayo ang sino mang humanap nang botos ó man~gaco nito sa can~gino mang tauo. Ang sino mang may capangyarihan na magcupcup at tumulong sa alin mang naghahan~gad ay hahalan~gan sa catungculan at cacapitan nang usap na nababagay sa caniyang masamang quilos.

Ang catungculan n~g Tagatayó ay di malalangcapan n~g iba pang catungculan ano man ang uri at bagay, at hindi macahahauac noon ang maytan~gang capangyarihang magparusa sa tauong bayan sa loob n~g cabayanang pinag gauan n~g paghahalal. Ang m~ga Tagatayo'y hindi muling mahahalal cundi mahalinhan muna at macaraan ang caniyang capanahunan.

Sa Talaang ito maquiquita ang dami nang tauo at n~g man~ga umaambag na may carapatán at gayon din naman ang bilang n~g man~ga catiualang matun~god sa baua't bayan at n~g m~ga Tagatayó n~g baua't cabayanan, ayon sa man~ga susunod. Ang man~ga cabayanang bumilang n~g dalauang pu at limang libong mamamayang may carapatán ay magcacaroon n~g isang Tagatayó.

Cun humiguit sa dalauang pu at limang libo hangan limangpung libo ay dalaua; paglampas n~g limangpu hangan pitongpu at limang libo ay tatlo; cun lumampas pa dito hangan isang daang libo ay apat; at lima cun lumabis pa n~g paacyat. Ang calabisan sa man~ga naturang bilang ay di macadadagdag n~g Tagatayo cundi umabot sa isang libo man lamang na umaambag na may carapatan.

Sino ma'y di macatatangui sa catungculang Tagatayô, Catiuala ó matanda man, sa pagca't ito'y isang suyong dapat gugulin n~g sino man sa caniyang bayan, cun may puri at dan~gal na sinimpan at may pagtin~gin sa sariling cagalin~gan. Ang man~ga abala at pagpupulong n~g Kapisanan ay mumulan sa nasabing arao hangang catapusan n~g buan n~g Marzo sa taontaon.

Bago gagauin nang Puno ang tanong na nasasabi sa icalauang pangcat nang naturang número 34 at gagauin din naman ang iba pang nabibilin sa pangcat ding ito. Sacá idadaos ang paghahalal nang man~ga Tagatayó sa paraang sinasaysay nang icapat na pangcat nang naulit na número.

Upang mahalal na Tagatayo ay quinacailan~gan, bucod sa m~ga casangcapang naulit na nang núm. 16, na ang mahalal ay magtaglay nang dalauangpu at limang taong singcad at nagtutumirá sa bayan ó cundi ma'y sa cabayanang quinalalagyan n~g m~ga pumipili; sampahan n~g isang hanap na malinis at maliuag na maparam na maguing pang agdon sa buhay na catamtaman at di naguiguing utang sa iba; huag magtan~gan sa bayan ó sa cabayanan nang capangyarihang macapagparusa sa tauong bayan; at quilanlin siyang isa sa man~ga namamayang lalong marunong at may sinimpang sariling dan~gal nang caramihang tauo.

Ang capanahunan n~g nan~gagcacapisan ay tatagal n~g apat na taon, at cung ito'y macaraan ay papalitan ang man~ga datihan n~g bagong Tagatayo.

Sa m~ga Tagatayó at Apo, cun maipahayag na sila'y may casalanan n~g isang Paniualaang ipalagay n~g canicanilang casamahan. Icatló. At sa m~ga cahalili nito ring Kapulun~gan at n~g m~ga natatayo sa calauacan at sa m~ga Pintacasing capantay n~g m~ga cahalili at sa m~ga Punong cabayanan.

Upang matambin~gan ang capagalan n~g m~ga Tagatayó ay tatalagahan sila n~g canicanilang cabayanan nang catampatang upa sa caniyang Presupuesto ó Tandaan nang magugugol at nang pagcucunan nang gugugulin.