United States or Senegal ? Vote for the TOP Country of the Week !


Upang mahalal na Tagatayo ay quinacailan~gan, bucod sa m~ga casangcapang naulit na nang núm. 16, na ang mahalal ay magtaglay nang dalauangpu at limang taong singcad at nagtutumirá sa bayan ó cundi ma'y sa cabayanang quinalalagyan n~g m~ga pumipili; sampahan n~g isang hanap na malinis at maliuag na maparam na maguing pang agdon sa buhay na catamtaman at di naguiguing utang sa iba; huag magtan~gan sa bayan ó sa cabayanan nang capangyarihang macapagparusa sa tauong bayan; at quilanlin siyang isa sa man~ga namamayang lalong marunong at may sinimpang sariling dan~gal nang caramihang tauo.

Bumasa kayo n~g ABOGADO NG BAYAN ni G. HONORIO LOPEZ at dito mababasa ninyo ang m~ga pangulong kapasiyahan n~g m~ga Ley sa pakikipamayan, sa m~ga pagaari, sa paghabol n~g mana, sa pagtatanggol n~g kapurihan, pananakit at iba na totoong kailan~gan sa isang namamayang pilipino, lalo na sa, m~ga babae, dalaga at m~ga mararalita. DALAWANG PISO ang halaga sa lahat n~g Libreria sa Maynila.

Ang m~ga namamayang sumapit sa dalauangpu at isang taong sincad at hindi hampas lupa at hindi rin binibiguiang usap at nahatulan sa ano mang casalanan, ay macapipili at macapaghahalal sa ano mang catungculan sa bayan; n~guni't upang mapili sila ay quinacailan~gan bucod dito na matutong bumasa't sumulat at mag taglay n~g iba pang casangcapang hinihin~gi n~g cautusan sa baua't catungculan.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap