United States or Mongolia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Upang mahalal na Tagatayo ay quinacailan~gan, bucod sa m~ga casangcapang naulit na nang núm. 16, na ang mahalal ay magtaglay nang dalauangpu at limang taong singcad at nagtutumirá sa bayan ó cundi ma'y sa cabayanang quinalalagyan n~g m~ga pumipili; sampahan n~g isang hanap na malinis at maliuag na maparam na maguing pang agdon sa buhay na catamtaman at di naguiguing utang sa iba; huag magtan~gan sa bayan ó sa cabayanan nang capangyarihang macapagparusa sa tauong bayan; at quilanlin siyang isa sa man~ga namamayang lalong marunong at may sinimpang sariling dan~gal nang caramihang tauo.

Ang baua't Tagatayo'y may catungculang man~galaga sa m~ga catuirang quiniquilala nitong Panucala sa m~ga namamayan at magsigasig n~g icaguiguinhaua n~g República at n~g cabayanang caniyang tinatayuan.

Sa Talaang ito maquiquita ang dami nang tauo at n~g man~ga umaambag na may carapatán at gayon din naman ang bilang n~g man~ga catiualang matun~god sa baua't bayan at n~g m~ga Tagatayó n~g baua't cabayanan, ayon sa man~ga susunod. Ang man~ga cabayanang bumilang n~g dalauang pu at limang libong mamamayang may carapatán ay magcacaroon n~g isang Tagatayó.

Baua't Punong cabayanan ay magcacaroon n~g nasasacupan niyang man~ga oficial, catulong at manunulat na quinacailan~gan sa iba't ibang san~ga n~g pamamahala sa cabayanang nasasacop niya, at ang oficial na catiuala sa cahusayan sa loob ay siyang Kagauad na maguiguing pan~galauang Puno sa Sanayán n~g cabayanan. Ang m~ga manunulat ay caniyang ihahalal capag nasungcad n~g Sanguniang-cabayanan.

Ang m~ga cabayanang bumilang n~g limangpung tagapaghalal na paitaas ay pipili n~g tig-isang Apo; mula sa isang daan na paaquiat dalauang Apo; at tatlo mula sa isang daan at limangpu na paitaas. Capag ang m~ga tagapaghalal n~g isang cabayanan ay di umabot sa limangpu ay pipisan sa m~ga tagacapit cabayanan upang macapili. Ang paghahalal sa m~ga Apo ay gagauin para n~g m~ga Tagatayó.

Ang man~ga Tagatayó sa cabayanang calooban nang República pati nang tigisang pili sa man~ga tumatayo sa man~ga capit cabayanan ang naguiguing Laguing Paniualaan na, cun nasasara ang Kapisanan, ay man~gan~galaga sa ganap na catuparán n~g m~ga Cautusan at siyang tatauag sa man~ga capulong cun ito'y hin~gin n~g Presidente sa pagca't dumaan ang caguipitan ó may pagpupulun~gang lubhang malaquing bagay.

Ang catungculan n~g Tagatayó ay di malalangcapan n~g iba pang catungculan ano man ang uri at bagay, at hindi macahahauac noon ang maytan~gang capangyarihang magparusa sa tauong bayan sa loob n~g cabayanang pinag gauan n~g paghahalal. Ang m~ga Tagatayo'y hindi muling mahahalal cundi mahalinhan muna at macaraan ang caniyang capanahunan.

Ang catungculan n~g Punong bayan at man~ga Pan~gulo ay tatagal n~g dalauang taon; at ang m~ga Punong cabayanan ay apat, liban na lamang cun bago lumampas ang taning na ito ay mapagquilala n~g Presidente na ang cagalin~gan n~g boong República at ang sariling cagalin~gan n~g cabayanang quinalalaguian ay nagcacailan~gang siya'y halinhan nang iba.

Hihirang din naman sa m~ga tauong nababanguit sa núm. 83 at sa m~ga Katiuala at Punong bayang halili na at quinaquitaan n~g ugaling ualang ipipintas, n~g m~ga ihahalal niyang Punong cabayanan, na siyang pagsasalinan niya n~g boong capangyarihan sa loob n~g cabayanang masacop nitó.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap