United States or Tanzania ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang m~ga cabayanang bumilang n~g limangpung tagapaghalal na paitaas ay pipili n~g tig-isang Apo; mula sa isang daan na paaquiat dalauang Apo; at tatlo mula sa isang daan at limangpu na paitaas. Capag ang m~ga tagapaghalal n~g isang cabayanan ay di umabot sa limangpu ay pipisan sa m~ga tagacapit cabayanan upang macapili. Ang paghahalal sa m~ga Apo ay gagauin para n~g m~ga Tagatayó.
Sa panahon n~g digma ay papapagsandatahin ang m~ga lalaquing ualang asaua mula sa dalauangpu at isang taon hangan limangpu, at cun di pa magcasiya ito ay tatauaguin ang m~ga uala ring asaua mula sa labing ualo. ICASAMPUNG CASAYSAYAN. Tungcol sa pagtuturo sa bayan . Ang pagtuturo sa bayan ay magcacaroon n~g tatlong pagtang: una simulang aral; icalaua mataas na aral; icatló m~ga carunun~gan.
Cun humiguit sa dalauang pu at limang libo hangan limangpung libo ay dalaua; paglampas n~g limangpu hangan pitongpu at limang libo ay tatlo; cun lumampas pa dito hangan isang daang libo ay apat; at lima cun lumabis pa n~g paacyat. Ang calabisan sa man~ga naturang bilang ay di macadadagdag n~g Tagatayo cundi umabot sa isang libo man lamang na umaambag na may carapatan.