United States or United States Minor Outlying Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !


Kung sino ang dapat makabatid niyan ay siyang dapat makapagsabi, ang sunggab ni Elsa. ¡Ikaw! ang tukoy ni Tirso sa mestisa. ¡Ikaw! ang batik naman ni Elsa sa makata. Tila narinig ko kung kanino na siya'y inauwi sa probinsia, n~guni't ito naman yatang si Elsa ang nagsabi sa aking minsan na siya ay nasa kolehio, ang badya naman ni Dioni. ¿Nasa kolehio? anang lalaki.

Sumunod sa salitang ito n~g lalaki ang isang kilusang kamuntik nang ipaghinala n~g kahi't ano n~g m~ga taong kalapit nila sa upuan. Salamat at ang katimpian ni Tirso'y siya ring nakapangyari. "Magtanim ka n~g magtanim, nang marami kang anihin" ... pabantang saad n~g mestisa. ¡Bah! Ang "halaman" ko ay nakatanim na ... masiglang sunggab n~g makata.

At ang m~ga labi'y nagpalitan n~g halik: halik n~g anak sa kamay n~g ina; at halik n~g ina sa noo n~g anak.... ¿Nagkasakit ka ba? Hindi po; nguni't ... ¡oh, ang m~ga taong pinaghabilinan ninyo sa akin! ¡Patawarin nawa sila ni Bathala sa di nila nalalamang kanilang ginagawa!... ¿Sinong m~ga tao? ang pabiglang sunggab ni Tirso. ¿At nilapastan~gan ka ba? ¡Teang ituro mo at gagawin ko ang nararapat!

Marahil n~ga po'y mayroong malubha ang karamdaman, ang ayon ni Tirso sa narinig kay Elsa. Kung gayon lamang ay ¿bakit kay dami pang mediko ang kailan~gang magulo? Kung ako n~ga marahil ang maghihin~galo ay walang maliligalig na sinoman ... ang may pahagkis na saad n~g mestisa. Maaaring magkagayon, ang sunggab n~g nakaratay, kung ako ang mauunang mamatay sa iyo.