Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na-update: Mayo 3, 2025
Ayaw na siyang sakluluhan ng isang Eduardo sapagka't ang kapighatian niyang yaong naging palad ay dahil sa sumpang nilimot. At, ngayon si Leonora ay hindi na makalapit sa piling ni Eduardo sapagka't para ba sa kanyang sinasabing: Leonora, hala, ako'y napopoot na saiyo, hindi na kita hangad na makita, alam kong wala kang iisang puso, walang iisang pagibig.
At kung ikaw naman ang lumimot dahil naman sa sumpa mong nilimot, bulaklak akong manglalagas sa tangkay. Kaya, Leoning, hwag nating alalahanin ang lahat ng ito. Oo, hwag nating limutin ang sumpaan. Oo, nga at kung limutin mo, dahil sa sumpang nilimot ako ay.... Eduardo ko, ako'y gayon din, bulaklak akong manglalagas nang dahilan sa sumpa mong nilimot kung iyong gawin ito.
Nasa kandungan ng dusa, nasa kandungan ng sakit at sinisiklot ng bagabag ang paso. Siya ay nilimot at dahil sa sumpang nilimot ni Leoning ay, waring tapos na sa kanya ang lahat, tapos na ang aliw. Oh! ang mabuhay nga naman sa sangdaigdig na itong puno ng hiwaga! Isang pusong sawi ng dahil sa pagibig ng dahil sa sumpang nilimot!
Ang sumpang iyon ay kusa niyang inilagda noong isang gabing ang kanyang puso'y inaapawan n~g di masayod na pagibig sa ibang alindog: kay Teang. At hindi sukat ang masabing ipinagbili n~g babaeng ito sa mababang tawad ang karan~galan n~g kanyang pagkababae, sakaling magkaganito man upang mapawian n~g bisa ang naturang sumpa.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap