United States or Slovakia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Anang princesa'i, ganito tapangan mo ang loob mo, at itong utos sa iyo ay panganib na totoó. Isang batia ang quinuha nang mariquit na princesa, may sangcalan at hapác pa sa dagat sila'i, tumugpa. Sa batia'i, lumulan agád ang dalauang magsing-liyag, pagcapalaot sa dagat ang princesa ay nangusap. Huag matacot don Juan tadtarín mo acong tunay, at huag matapon lamang capirasong aquing lamán.

Sa canilang salitaan ay parang isang catauán nang magmamadaling arao ang princesa, ay nagsaysay. Don Jua'i, matulog ca na at baca napupuyat ca, aco'i, siyang bahala na sa poon cong haring amá. Nang oras ding yaón naman lumacad ang cabunducan, doon niya pinatahán sa bintanang durungauan. Nang ito ay mayari na á las cuatro nang umaga, ang princesa'i, pumanhic na na di namalayan siya.

Tumauag na capagcuan ang príncipeng si don Juan, siya naman ay dinungao nang princesang na sa bahay. Nang maquita'i, binati na ang mariquit na princesa, bibiguiang arao na maganda poon nang tanang sampaga. Anang princesa'i, ganito salamat naman sa iyo, namamangha ang loob co nang iyong pagcaparito. Sagót nang príncipe't, uica abá mariquit na tala, pagcaparito co'i, bigla dalá nang sintang gahasa.

Ang lagay apat na leguas nang dalauang magsing-liyag, sa malaguing paghihirap cagalita'i, dili hamac. Na sa gayong calayo na at di na niya maquita, hinabol din capagdaca ang nagtaanang dalauá. Nang malapit nang abutan princesa'i, agad nagsaysay, naquita mo na don Juan tayo ngayo'i, aabutan. Cung culanging palad quita ito na ang ating hanga, papataying ualang sala nang haring poon co't, amá.

At umahon nanga siya sa batia'i, sumacay na, dulong hintuturo niya ang siyang ipinaquita. Tingnan mo ito don Juan ang aquing daliri'i, culang, ito'i, tandaan mo bilang na sucat ipagcaquilanlan. Yao na't, umahon bagá dalauang magcasi't, sintá, ang princesa'i, nagtuloy na sa real palaciong sadyá. Sa pagtulog na mahusay nang hari niyang magulang, ipinailalim sa unan ang singsing na minamahal.

At sa lupang calaliman doon namin nasumpungán, may alagang nagtatangan gigante't, serpienteng hunghang. Cami ay naquipagbaca at lumaban sa canila, nang manga-patáy pagdaca manga princesa'i, dinalá. Nang ito'i, mapaquingan nang hari nilang magulang, di hamac ang catauaán at sila'i, benendicionan. Itong hari'i, may tuá man sa manga princesang tagláy, malaqui ring calumbayan sa anác na cay don Juan.

Salita Ng Araw

nagpacahandusay

Ang iba ay Naghahanap