Vietnam o Thailand? Bumoto para sa TOP Country ng Linggo!
Gusto mo bang mag-type nang mas mabilis? Mag-practice gamit ang typing test o mag-enjoy sa typing games!
Na-update: Agosto 13, 2026
Tumauag na capagcuan ang príncipeng si don Juan, siya naman ay dinungao nang princesang na sa bahay. Nang maquita'i, binati na ang mariquit na princesa, bibiguiang arao na maganda poon nang tanang sampaga. Anang princesa'i, ganito salamat naman sa iyo, namamangha ang loob co nang iyong pagcaparito. Sagót nang príncipe't, uica abá mariquit na tala, pagcaparito co'i, bigla dalá nang sintang gahasa.
At nag-uica nang ganitó ang matandang ermitaño, sino bagáng quinunan mo mahalagáng barong itó. Sagót ni don Jua't, badyá nuno po ay maquinig ca, sa aquin ang may padalá ermitañong matanda na. Ang sagót nang ermitaño don Juan ay sabihin mo, ang sadyá mo ay cun anó nang iyong pagcaparito. Isinagót ni don Juan ganito po ay paquingán ang sadyá co po at pacay ang reino nang de los Cristal.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap