United States or Paraguay ? Vote for the TOP Country of the Week !


O mahal na pontífice cay Jesús na cahalili, yaring aquing munting sabi ngayo'i, sandaling paquinguí. Ang princesa Leonora ay hindi co tangcá siya, sa balóng aming sinonda doon co lamang naquita. Pinuhunan co nga'i, búhay sa serpienteng nacalaban, at cay doña Juana naman sa giganteng nagtatangan. Cun caya pinagliluhan manga capatid cong hirang, sa singsing niyang naiuan na aquing pinagbalican.

Ani don Juan at turing aco ang taliang tambing, at aquing sisiyasatin itóng balóng sacdal dilím. Tinalian capagdaca ang bunsóng capatid nila, sa baló'i, inihulog na nang capatid na dalaua. Ang sa historia ngang saysay na sa balóng calaliman, mahiguit sa isang daan na dipá ang casucatán. Nang siya nga'i, dumating na sa fondo nang balón bagá, ay quinalág capagdaca ang lubid na tali niya.

Anitong leproso't, badyá maguinoó po aniya, na cun may baon cang dalá aco po'i, limosán mo na. Sa Dios po alang-alang aco'i, iyong cahabagán, cun gumaling ang catauan ay aquin ding babayaran. Isinagot ni don Juan aco nga'i, mayroong taglay, natirang isang tinapay na aquing baon sa daan. Dinucot na capagdaca yaong tinapay na isa, caniyang ibinigay na sa leproso na naquita.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap