United States or Sri Lanka ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang uica nang iba, na totoong magaling na gamot sa gayong sibol ang ugat nang calaboa, na binabayo muna,t, pinapatacang sabay nang caunting lan~gis nang niyog at siya ang itinatapal doon. Nota 2. Pag nagsusugat at nasisira ang ilong nang tauo, cun minsan gagaling siya pag ininom nang mahabang panahon ang bilin sa número 57. Datapoua,t, magpupurga naman siya nang malimit-limit bilin sa número 21.

Cun baga nagsusugat ang punong catauan nang lalaqui ó babayi, ay guinagamot muna ang may catauan para nang turo sa párrafo 296, bago lahiran ang man~ga sugat nang apdo nang bacang lalaqui. Maigui ring tapalan nang dahon nang culit na babayuhin muna. Ito,i, turo ni P. Clain.

Cun minsan ang man~ga paang namamaga, ay pungmuputoc cun malauon at nagsusugat, na hindi masama yaon; datapoua sapagca ang ganoong sugat ay malauon bago mabahao, at cun minsa,i, nabubuloc, ang maigui ay tacpan nang damit ang paa, nang houag mahan~ginan; tatapalan naman nang bilin sa número 64. Ang maysaquit ay ilalagay sa husay nang maysaquit na magaling-galing na capítulo 5, at houag palacarin.

Cun ang saquit ay lungmaqui pa mandin, ay nan~gabubuloc ang man~ga n~gipin; ang maysaquit ay linalabsan nang dugó sa iba,t, ibang lugar nang catauan; ang caniyang man~ga paa, pati nang ibang man~ga casangcapan nang catauan ay linalabsan nang mancha, na iba,t, iba ang color; saca nagsusugat nang masamang pagcasugat ang catauan niya, lalo pa ang man~ga hita; at pagca malubha na ang maysaquit, ay nalalagnat nang lagnat na ética , at ang iquinamamatay niya ay ang pag-iilaguin, ó ang pamamaga nang caniyang catauan ó ang pasmo, ó ang desmayo, ó ang pagcabuloc nang caniyang bituca.

Cun minsan gaua nang escorbuto , ó nang bicat , ó nang hica , ó nang bulutong ó ticdas. Cun minsan naman dala nang mahalay na saquit na namamahay sa catauan, na doon mahahalata, cun baga nagsusugat, ó namumutoc, ó macati ang punong catauan.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap