United States or New Zealand ? Vote for the TOP Country of the Week !


At na sa Lan~git nang caluluang hirang caya agad-agad niyang ilinagay sa talagang carro ang sa batang bangcay n~g man~ga Santos Mártires na banal. Sumunod ding gaya nang dati ang Iná hangang di napugnaw sa sigang nakita, ito n~ga ang dinarasal cung fiesta na man~ga Mártires de Sabaste bagá.

Man~ga Mártires n~ga na pinan~gan~ganlang de Sabaste yaong soldadong binyagan, apat na pung husto yaong cabilan~gan na hindi miminsan na pinahirapan. Sa pagca-bilango nang isang malupit na Gobernador n~gang di nagdalang hapis, n~gala,i, Agricoláo nang nagbigay sakit sa banal na man~ga sundalong mabait.

Cahimanauari tayo ay matulad sa man~ga Mártires na Santos at Santas, at sa ating puso naua ay malimbag ang aral ni Cristo sa atin at atas. Hanapin ang lalong mabuting paraan na icasusupil sa ating catauan, huag manatili sumagap n~g layaw n~g Mundong sa huli pauang cahirapan.

Ang pinacabata,i, canilang bayaan sa man~ga Mártires na pinarusahan, na si Meliton n~ga ang siyang pan~galan sapagca,t, canilang nakita pang buhay. N~gunit siya nama,i, tantong mahina na at hindi na halos na macagalaw pa, at namamanhid ang boong catauan niya at papanaw na n~ga ang tan~gang hinin~ga.

Niyong hating gabing sadyang calaliman na yaong hinin~ga,i, papanaw na lamang, nang man~ga bayaning Mártires na tunay at para-para nang nagsisipan~gatal. Sa malaking guinaw, n~guni at namalas na sa paligua,i, biglang lumiuanag, nakita nang isang bantay na caharap na hindi binyagan ang hiuagang ganap.

At ang limang Vírgen na man~ga Mártires at apat na puong soldadong nagtiis, n~g madlang pahirap at m~ga pasakit hangang sa ang tan~gang hinin~ga,i, napatid. Pagca,t, ang binyagan na cay Cristong lingcod ikinatutuang buhay ay matapos, huag ang maturang maualay sa Dios tayo doo,i, dapat na umalinsunod.

Huag nang isipin na man~gagbago pa sa Iglesiang dati nang sampalataya, at yamang ang dati atin nang kilala ang hindi mabilang na Santo at Santa. Ang man~ga Mártires ay gayon din naman na nagsipaghain nang canilang buhay, sa catacot-tacot nilang camatayan sa cay Jesucristong Dios alang-alang.

Bilang ica sampu niyong Marzong buan guinagaua yaong man~ga capurihan, nang apat na pung Mártires na tunay na man~ga, soldadong pauang man~ga banal. ¡Oh man~ga capatid dinguin yaring luhog na pag-tibayin ang ating man~ga loob, nang sampalataya sa totoong Dios at sa Iglesiang taglay nang sumacop.

Iná,i, nabalisa niyong si Meliton nang nasang manin~gas sa bagay na yaon, na malubos ang pagca-martir niyong Anác at masamang sunuguin sa apóy. Pagdaca ang bata,i, caniyang pinasan at ang man~ga carro,i, caniyang sinundan, na sa Mártires n~ga na kinalalagyan na dadalhin doon sa pag-susunugan.

Na ang maligayang doo,i, pagpanaog nang mapag-candili na Poong si Jesús, na galing sa lan~git at humintong lubos sa tapat nang Martir na man~ga soldados. At ipinag-utos sa casamang tanan na man~ga Angeles na pauang putun~gan nang isang corona balang isa naman nang man~ga Mártires na man~ga mamatay.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap