United States or Kuwait ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ipinayag co n~gang aco,i, halinhan mo nang upang maligtas lamang ang puri co, sa capan~ganibang daya nitong Mundo doon sa bigay mo na damit soldado. Hindi co ipinagcaloob sa bagay na hahaliuhan mong icaw ang mamatay, na magcamit niyong calualhatian niyong pagca-martir na sa aki,i, laan.
Iná,i, nabalisa niyong si Meliton nang nasang manin~gas sa bagay na yaon, na malubos ang pagca-martir niyong Anác at masamang sunuguin sa apóy. Pagdaca ang bata,i, caniyang pinasan at ang man~ga carro,i, caniyang sinundan, na sa Mártires n~ga na kinalalagyan na dadalhin doon sa pag-susunugan.