Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na-update: Mayo 18, 2025
Bago gumaling-galing ang maysaquit, dinaraanan siya nang hirap na malaqui, na nacatatacot sa nag-aalaga sa caniya. Caya gayón ay ang pinaca camandag nang saquit gungmagala sa catauan; datapoua,t, cun guinagamot nang husay ang maysaquit, hindi maano; at cun siya,i, dumahac, umihi,t, pauisan, mauauala yaong hirap na yaon.
Bucod dito, hindi macatahan sa hihigan ang maysaquit, at mahirap man ang caniyang pagcaramdam, ay gumagala sa loob nang silid; ang pulso ay mahina at madalas; ang ihi cun minsan tila para nang dati; cun minsa,i, mapulapula; ang pag-uubo niya,i, munti, at maliuag dumahac; maminsanminsan nasisira ang caniyang bait; hindi macatulog nang mahimbing, at hindi naman naguiguising na totoo; ang nagcacasaquit nang ganitong saquit, cun minsan namamatay nang biglang pagcamatay, lalo pa cun matanda ang may catauan.
Gayon din, cun baga nang tauaguin ang médico, may ilang arao nang maysaquit ang tauo, at malaqui ang caniyang lagnat, cun mahirap ang paghin~ga, at hindi dungmarahac, ó cun dumahac ay dugo lamang ang nacucuha, ay sasangrahan din, may sampuong arao man ang caniyang pagcacasaquit.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap