United States or Gabon ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang pagdalan~gin ay idinaraos cailan ma't may cailan~gan silang hilin~gin sa anitong kinauuculang tawagan, na cung halimbawang sa pagcacasakit upang gumaling ó sa pagnanais na ang nasa hirap doon sa cabilang buhay ay mahan~go at sa ibang bagay pa, ay ang m~ga nuno nilang anito ang tinatawagan na di umano'y siyang m~ga nacacaalám n~g calagayan n~g nan~gandoon sa cabilang búhay at m~ga sumasagót sa dalan~gin n~g catalona, cung halimbawa namang sa pag-paroon sa digma ó sa pagsalakay at upang magwagí ay ang hubog n~g lan~git ang dinadalan~ginan na canilang pinan~gan~ganlang bataubaw; at gayon din sa iba't ibang dahilan.

Caya cun mayroong quinagat nang ahas, paiinumin nang tubig na dinoonan nang lima ó anim na capatac na agua de luz , na ito ay gagauing macaapat sa isang oras, ayon sa calubhaan nang maysaquit; cun gungmagaling-galing na siya,i, dinadalan~gan ang pag-inom; at arao-arao paiinumin din nang caunti, pati nang lugar na quinagtan ay lalahiran nang ilang capatac noon ding agua de luz . Datapoua cun pinainom na ang maysaquit nang maraming agua de luz , at hindi rin gungmagaling, ang boong catauan niya ay pahiran nang lan~gis, bago painumin nang agua de luz.

Kung matapos ang m~ga pagdalan~gin ito at ang maging hula ay gagaling ang may-sakit, sila'y nan~gagsasaya't at nagkakainan, naglalasin~gan at tulo'y inaawit ang m~ga pagca bantog n~g m~ga kanunuan n~g may-sakit, na siyang m~ga anito ó duratang canilang dinadalan~ginan; n~guni't kun ang naging hula ay mamamatay, inaaliw n~g katolona ang may-sakít sampu n~g m~ga pinagcacasactan, at sinasabing ibig n~g m~ga anito na ang may-sakít ay macasama nila at mácabilang.