United States or Turkmenistan ? Vote for the TOP Country of the Week !
Si Bonifacio at ang ilan niyang matatalik na kawani ang madalas magsilabas sa m~ga bundok na nakalilibid sa Maynila at kanilang pinagaaralan ang tumpak na paraan sa pagsalakay dito at ang magagawang kuta n~g kawal n~g "Katipunan" sa pakikilamas. 53. =Kailan nahuli ang m~ga kasapi sa "Katipunan"?= Niyong ika 13 n~g Agosto n~g 1896 sa San Piro Makati.
=1896.= Ika =29 n~g Agosto=, pagkakalabanang mahigpit n~g m~ga "Katipunan" at kawal n~g kastila sa Balintawak at iba pa. =1896.= Ika =30 n~g Agosto=, araw na ipinasyang pagsalakay sa Maynila. =1896.= Ika =30 n~g Agosto=, ipinasya ni General Blanco na gawing pook n~g digmaan ang m~ga lalawigang Maynila, Bulakan at iba pa.
59. =May m~ga palatuntunan ba ang paghihimagsik?= Iilan lamang, yaong lubhang kinakailan~gan sa m~ga unang pagkilos. Pinasiyahan nila na ang magbabalita n~g pagsalakay sa Maynila, ay hihip n~g m~ga "tambuli" mula sa m~ga bundok na kinaroroonan n~g m~ga kawal. Ang hudyatan upang magkakilanlan ang magkakapatid ay ang salitang "Balan~gay" na dapat sagutin n~g "Marikit."