United States or Bahamas ? Vote for the TOP Country of the Week !
Baka po nákakatulog pa. aní kapitang Ape, na dili iba't siyang magiging asawa. Inyó pong tawagan ang payo naman n~g isá. ¡Benita! ¡Benita! anáng amá na kasabay ang katóg. Wala ring tumútugon sa loob. ¡Benita! ang halos sigáw ni tininting Moneng na may munti n~g galit dahil sa baka uulitin na namán n~g kaniyang anák ang pagpapahayag n~g hindi pagsang-ayon sa kasalang iyón.
Ilang saglit na lamang. Ngayon ay hindi na mangyayaring maidaing pa niya ang kanyang tinataglay na kahirapan sapagka't hindi niya maaaring si Leoning, sa harap ng magiging kabiyak ng puso, ay kanyang tawagan upang ang mga tiisin niya ay damayan. Oo, ang lahat ay hindi maaari.