United States or Guam ? Vote for the TOP Country of the Week !


Touing oras iinumin niya naman ang isang cuchara nang bilin sa número 77. Cun baga nahahalatang marami ang sicmura ayon sa aral sa capítulo 88, ay magaling painumin nang pasuca número 34, ó cun hindi ibig nang maysaquit yaon, ang turo sa número 8, ay na-aari.

Cun minsan naman, cun nahuhulog ó lungmulucso ang babaying buntis ó cun lungmacad nang matulin, ó nahirapan nang pag-gaua, ó cun inarauan, ó cun sungmusuca, ó nagalit, ó natacot, ó cun nacainom nang maraming alac ó cha, ay sungmasaquit ang caniyang bay-auang na yaong saquit ay ungmaabot hangang hita, bago sumunod doon ang pagsaquit nang tiyan, na dahil doo'i, nahahalatang macucunan siya.

Magaling na totoo sa man~ga batang nagcacasaquit, at sa nag-uubong parati cun sinisibulan nang n~gipin, ang sahing na tutunauin sa apoy bago ilatag sa basahan, at itapal sa licod nang bata sa pag-itan nang dalauang balicat. Ang gamot sa batang may bulati sa tiyan. Caya nahahalatang mayroong bulati sa tiyan nang bata, sapagca siya,i, dinaraanang parati nang cólico.

Nahahalatang darami ang bulutong, cun maquintab ang mata nang maysaquit, cun siya,i, sungmusucang parati, at ang bay-auang ay masaquit na totoo; cun nagbabalisa, at parating bibilingbiling ang maysaquit; ó cun baga bata, cun hilim na parati, cun ang bulutong ay lungmilitao sa icatlong arao, ó sa icalaua caya; sapagca cun maagang lumitao ang bulutong ay lalo pang mapan~ganib ang maysaquit.

Ang gagauin doon ay tapalan macalaua maghapon nang tinapay at gatas hangan sa pumutoc at magnana, ayon sa turo ni Buchan. Ito,i, gagauin cun baga nahahalatang puputoc at magnanana. Datapoua cun ang bucol sa suso ay lauon nang tungmubo, at hindi masaquit, ay houag tapalan nang anoman. Ang man~ga tapal na mayroong taba ay masama roon.

Cun baga nahahalatang hinihica ang may catauan dahil sa pag-urong nang ibang saquit para nang galis, buni, ó piyo , ay magaling doon ang parapit número 36 sa binti ó sa talampacan ayon sa aral sa capítulo 54.

Ang gamot dito ay iba-iba lamang nang caunti sa guinagaua doon sa lagnat na buloc . Ang maysaquit ay paiinumin nang marami nang turo sa número 3; at cun siya,i, nalagnat nang dalaua ó tatlong arao cun baga nahahalatang marumi ang sicmura dahil sapagca ibig niyang sumucang parati, ó siya,i, sungmusuca n~ga, ó mapait na totoo ang bibig, ay big-yan nang bilin sa número 34 ó 35; at cun hindi rin nauauala yaong capaitan nang bibig, at ang pagca ibig niyang sumuca, ay purgahing maquiilan nang bilin sa número 24 ó número 21 man, cun malacas ang may catauan.

Ang gamot sa mayroong bato sa pantog, pati sa tauong binabalisaosao, ó sa mahirap umihi. Caya nahahalatang may bato sa pantog ang may catauan, sapagca cun umihi, ay sungmasaquit ang dinaraanan nang ihi, na patuloy ang pagsaquit hangan sa dulo nang punong catauan.

Saca cailan~gang pacausisain ang totoong dahilan nang saquit, at cun nahahalatang nadoroon sa bun~go ó sa utac nang ulo, cun marugo ang may catauan, ay cailan~gang sangrahan pag siya,i, nasaol-an; at cun nagcacasaquit dahil sa nauala,t, inurun~gan siya nang pauis ó galis ay gagamutin para nang turo sa capítulo 54.

Cun baga caya hindi macahin~ga ang maysaquit, ay dahil sa mayroong naninicquit na man~ga malalagquit doon sa caniyang baga, na caya nahahalatang gayon, ay sapagca siya,i, dating masasactin, ó mahina, ó hicain siya, ó nananab-ang ang pagcain, ó ang quinacain niya ay ang man~ga ualang sustancia, ó siya,i, ungmiinom na parati nang mainit na tubig, at bucod dito ang caniyang pulso,i, munti malambot, at siya,i, namumutla; ang gagauin doo,i, gayon.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap