United States or South Korea ? Vote for the TOP Country of the Week !


Cun sungmasaquit ang ulo, ang lalamunan, ang dibdib, ang sicmura, ang tiyan, ang bay-auang, ó cun alin ang masaquit, at alin ang lalong masaquit. Cun sungmasaquit pa mandin cun hipoan. Cun ang dila nang maysaquit ay maputi, ó marumi, ó tuyo. Cun nauuhao siya. Cun mapait ang bibig. Cun dungmuroual, ó sungmusuca, ó nananab-ang nang pagcain ó cun ibig niyang cumain. Cun nauunat ang tiyan.

Cun minsan dahil sa pamamaga nang sicmura ó tiyan, ay sinisibulan doon ang may catauan nang masama. Caya nahahalatang may sungmisibol sa sicmura ó sa bituca, sapagca parating mayroon doong caunting masaquit; ang may catauan ay nananab-ang nang pagcain pinagquiquilabutan siya nang guinao nang malimit, at hindi siya lungmalacas.

Cun baga lumiban man ang lagnat, ang maysaquit ay nananab-ang nang pagcain, at hindi macatulog nang mahimbing ó sungmasaquit ang bay-auang, ó ang tuhod bago painumin nang dita ay pupurgahin muna nang bilin sa número 21 ó 23.

Itong saquit na ito,i, dala nang apdo , na hindi husay na para nang dati, ó cun sungmusucal ang man~ga dinaraanan noon. Sa saquit na ictericia ang puti nang mata at ang boong catauan cun minsan ay dungmidilao, pati nang ihi madilao rin, at nacacamancha sa man~ga damit na maputi. Ang maysaquit ay nananab-ang nang pagcain at mapait ang caniyang bibig.

Cun humaba ang saquit, at ang may catauan ay nananab-ang nang pagcain, at ang bibig ay mapait, ay cailan~gang painumin nang alinman doon sa dalauang painom na itinuturo sa número 34 ó 35, cun baga munti na ang lagnat; sapagca itong man~ga pasuca,i, lalo pang maigui sa purga doon sa gayong lagay nang maysaquit. Datapoua cun ang culebra ay nadoroon sa ulo, ay magaling pa sa pasuca ang purga.

Ang pag-iilaguin na ualang casamang lagnat, ó saquit na malaqui nang tiyan ay pinan~gan~galan nang castilang diarrea. Ang maysaquit ay nananab-ang muna nang pagcain: ang caniyang bay-auang pati nang tuhod, ay idinaraying na mabig-at. Hindi siya nalalagnat at hindi sungmasaquit na totoo ang tiyan.

Bucod dito,i, paiinumin nang bilin sa número 35 cun baga marumi ang dila, at masama ang lasa nang bibig, ó cun dungmorual ó nananab-ang nang pagcain; datapoua cun hindi nararamdaman nang maysaquit yaong man~ga bagay na yao,i, purgahin lamang nang isang purgang mahina numero 82, ó nang ruibarbo número 51, cun baga hindi mainit ang tiyan.

Cun guinagamot nang husay ang maysaquit sa loob nang man~ga labing apat na arao gungmagaling-galing na siya, at cun ibig niyang cumain, sundin ang bilin sa capítulo 5; datapoua,t, cun mapait ang bibig, cun mabigat ang ulo, at nananab-ang nang pagcain, cailan~gan siyang purgahin nang bilin sa número 11.

Cun baga caya hindi macahin~ga ang maysaquit, ay dahil sa mayroong naninicquit na man~ga malalagquit doon sa caniyang baga, na caya nahahalatang gayon, ay sapagca siya,i, dating masasactin, ó mahina, ó hicain siya, ó nananab-ang ang pagcain, ó ang quinacain niya ay ang man~ga ualang sustancia, ó siya,i, ungmiinom na parati nang mainit na tubig, at bucod dito ang caniyang pulso,i, munti malambot, at siya,i, namumutla; ang gagauin doo,i, gayon.

Itong sin~gao sa bibig cun minsan di man gamutin, ay nauauala; datapoua cun minsan ay nalalagnat, napupuyat at nananab-ang nang pagcain ang nagcacasaquit nang gayon. Ang man~ga sangol ay sungmisigao, at aayo sumuso dahil sila,i, nasasactan nang gatas cun dungmaraan sa bibig.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap