United States or Tokelau ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nahahalatang darami ang bulutong, cun maquintab ang mata nang maysaquit, cun siya,i, sungmusucang parati, at ang bay-auang ay masaquit na totoo; cun nagbabalisa, at parating bibilingbiling ang maysaquit; ó cun baga bata, cun hilim na parati, cun ang bulutong ay lungmilitao sa icatlong arao, ó sa icalaua caya; sapagca cun maagang lumitao ang bulutong ay lalo pang mapan~ganib ang maysaquit.
Ang tauong inarauan nang malauon, ay hindi matiis niya ang saquit nang ulo; ang balat ay mainit at tuyo; ang mata ay tuyo rin, at namumula. Cun minsan hindi macamulat, at hindi macatin~gin sa maliuanag; mayroong hindi macatulog; mayroong hilim na parati, at touing maguiguising ay ga naguiguitla.
Doon nauuhao at nahihirapan ang maysaquit, at hindi siya matutong lumagay; at cun malaqui ang saquit hindi macatulog siya, at tila nahuhung-hang; cun minsan ay hilim, at mapan~ganib ang caniyang buhay. Ang pulso,i, totoong dalas pagca gayon; datapoua cun nauauala na ang pamamaga nang muc-ha at nang liig, ay hindi na lubhang mapan~ganib ang buhay nang maysaquit.
Salita Ng Araw