United States or Cyprus ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang tauong nanhihimatay, ó ang dinaraanan nang apoplegía, ó epilepsia, cun minsa,i, tila natutuluyang namamatay, bago,i, hindi patay. Caya yaong man~ga gayong maysaquit, ay hindi sucat ilibing muna, cundi maramdamang mabaho baho na. Ang mabuti doon ay hubdan at sangrahan sa camay, at ilagay sa maaliualas na lugar, na bucas ang lahat na don~gauan.

Cun ang culebra, ay ungmuurong at pungmapasoc sa loob nang ulo, ó sa lalamunan, ó sa baga, ó sa loob nang catauan nang tauo, ay cailan~gang sangrahan ang maysaquit; saca lalag-yan nang parapit sa man~ga binti número 36; at parating paiinumin nang tubig na pinaglagaan nang bulaclac nang alagao , na dinoonan nang caonting salitre para nang turo sa párrafo 230.

Bucod doo,i, susumpitin nang tubig na pinaglagaan nang culutan, na sinamahan nang lan~gis at pula nang itlog nang manoc. Cun bago malubha, ó mahirap ang lagay nang maysaquit, ay mabuti sangrahan. Datapoua cun ang maysaquit hindi nag-iilaguin, cundi sungmusuca lamang, ay lilimitan ang pagsumpit houag lamang lag-yan nang pula nang itlog. Magaling ding pambohan ang maysaquit sa malacucong tubig.

Cun baga mayroong babaying nacapan~ganac na, at hindi lungmabas ang inunan, ang mabuti doo,i, sangrahan sa camay cun baga malacas ang babayi, at gauin ang ibang man~ga bilin sa párrafo 481. Ang gaua nang iba,i, ang isang sariuang taying cabayo tinutunao sa alac sa misa at ipinaiinom sa maysaquit. Ang guinagamit nang iba,i, ang taying tuyo.

Datapoua cun mahirap ang calagayan nang maysaquit, at hindi sungmusunod ang bituca, ay cailan~gang sangrahan muna ang may catauan.

Cun ang cutil at ang dalauang tila bucol na capiling noon, yaon lamang ang masaquit, at namamaga, ay cailan~gan ding sangrahan ang maysaquit, lalo pa cun ang pulso ay matigas at puno; ito,i, gagauin agad, maca cun pabayaan yaong pamamagang yao,i, mapatun~go ang saquit sa baga: at cun minsa,i, uuling sasangrahan cun cailan~gan pa.

Cun ang maysaquit ay naghinahon na, at ang balat ay mainit na, ay cucumuta,t, patutuluguin; at sapagca maiguing mapauisan, ay painumin muna nang ga dalaua ó tatlong cucharang alac sa misa ó nang caunting triaca. Cun baga mahirap na totoo ang paghin~ga nang maysaquit, ay cailan~gang sangrahan sa camay.

Na-aari naman ang tubig na dinoroonan nang azucar at suca. Cun baga ang pulso,i, malacas at matigas, at bucod dito cun ang maysaquit ay malacas naman, ay masasangrahan hangang macalaua, at lalo pa cun siya,i, nainitan ayon sa sabi co sa parrafo 184. Datapoua cun hindi matigas ang pulso, ay hindi sucat sangrahan, at macacasama sa caniya yaon.

Cun babayi ang sungmusuca n~g dugo dahilan sa inurun~gan nang panahon, ay sangrahan muna, bago gauin ang ibang man~ga bilin co dito sa párrafong ito. Ang gagauin sa ungmiihi nang dugo. Cun ang inaiihi nang tauo, ay tunay na dugo, at cun patuloy na hindi mahirap iihi, ay yaong dugong yaon, ay sa manga bato nangagaling.

Datapoua cun malaquing saquit yaon, cun malaqui naman ang lagnat, at ang pulso,i, malacas at matigas, ay cailan~gang sangrahan nang caunti ang maysaquit, at cun hindi rin ungmuunti ang lagnat ay sasangrahang minsan pa, ó macalaua caya.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap