United States or Turks and Caicos Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !


N~guni cun baga nalagnat na ang maysaquit nang macaanim ó macapito, at ungmuuli rin ang lagnat, at hindi siyang cusang nauauala, ay magaling sa lahat ang pasuca sa bilin sa número 35, at saca quinabucasan ay painumin nang bilin sa número 14, na caniyang uubusin, bago abutin nang oras nang caniyang pagcalagnat.

Ang pulso cun guiniguinao ang maysaquit ay munti at matulin; datapoua pagca nalagnat na, ay lungmalaqui, at cun minsan tungmitigas din; datapoua sa ganitong saquit ay hindi lubhang matigas para doon sa lagnat na manin~gas, alintana cun nagcacasama-sama itong dalauang bagay na lagnat, at cun minsa,i, magcasama n~ga: Ang saquit nang ulo ay hindi matiis nang laqui; bucod dito ang maysaquit ay nauuhao; ibig niyang sumuca; at cun minsan ay sungmusuca; ang bibig ay mapait, at caunti ang inaiihi niya.

Ang gamot dito ay iba-iba lamang nang caunti sa guinagaua doon sa lagnat na buloc . Ang maysaquit ay paiinumin nang marami nang turo sa número 3; at cun siya,i, nalagnat nang dalaua ó tatlong arao cun baga nahahalatang marumi ang sicmura dahil sapagca ibig niyang sumucang parati, ó siya,i, sungmusuca n~ga, ó mapait na totoo ang bibig, ay big-yan nang bilin sa número 34 ó 35; at cun hindi rin nauauala yaong capaitan nang bibig, at ang pagca ibig niyang sumuca, ay purgahing maquiilan nang bilin sa número 24 ó número 21 man, cun malacas ang may catauan.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap