United States or Canada ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang pulso cun guiniguinao ang maysaquit ay munti at matulin; datapoua pagca nalagnat na, ay lungmalaqui, at cun minsan tungmitigas din; datapoua sa ganitong saquit ay hindi lubhang matigas para doon sa lagnat na manin~gas, alintana cun nagcacasama-sama itong dalauang bagay na lagnat, at cun minsa,i, magcasama n~ga: Ang saquit nang ulo ay hindi matiis nang laqui; bucod dito ang maysaquit ay nauuhao; ibig niyang sumuca; at cun minsan ay sungmusuca; ang bibig ay mapait, at caunti ang inaiihi niya.

Magaling din bañosan bago humiga ang maysaquit sa tubig na mainit-init hangang tuhod; pati nang pagsumpit ay bagay rin sa saquit na ito, cun hindi manabi touing arao, ó cun cacaunti ang inaiihi nang may sipón. Datapoua cun munti ang sipón, di man gamutin ang tauo, ay gumagaling siya; houag lamang cumaing ilang arao, nang carne, itlog, baboy, sabao, at alac.

Datapoua cun ang inaiihi nang maysaquit ay marami pa sa caniyang iniinom, cun ang ihi ay catulad n~g iniinom, at mainit ang pagcaramdam nang may catauan, at nalalagnat-lagnat nang caonti, ay mabuti purgahin nang bilin sa número 11, ó sa número 38 Magaling din cun minsan ang painumin ang maysaquit nang tubig nang apog sa cabebe número 79 na pinagbabaran nang balat nang camachiles, ó balat nang bayabas, ayon sa turo ni Buchan.

Cun hindi nananabing macadalaua arao-arao ang maysaquit, ay cailan~gang sumpiting minsan man lamang touin arao, nang bilin sa número 5; at yaon din ang gagauin cun hindi marami ang inaiihi, ó cun mapula ang ihi, ó cun tila naghuhunghang ang maysaquit, ó cun malaquing totoo ang lagnat, at masaquit ang ulo,t, bay-auang, ó cun ibig sumucang parati.

Ang saquit ay ungmaabot cun minsan hangan bayauang; caunti ang inaiihi nang maysaquit at cun umihi, ay mainit ang caniyang pagcaramdam. Hindi siya macatulog, cun minsan may pagcasira ang ulo. Cun hindi gamutin agad ang maysaquit, ay hindi lubhang dungmaraying cun malauon, na yao,i, masama. Ang pulso ay hindi catigasan; datapoua,t, madalas sa dati.

Cun babayi ang sungmusuca n~g dugo dahilan sa inurun~gan nang panahon, ay sangrahan muna, bago gauin ang ibang man~ga bilin co dito sa párrafong ito. Ang gagauin sa ungmiihi nang dugo. Cun ang inaiihi nang tauo, ay tunay na dugo, at cun patuloy na hindi mahirap iihi, ay yaong dugong yaon, ay sa manga bato nangagaling.

Datapoua mayroong pag-ihi n~g dugo, na yao,i, dala nang caramihang dugo nang may catauan, na cun hindi maraming totoo ang inaihing dugo, ay hindi masama yaon sa caniya; cun minsan doon sa dugong inaiihi mayroong casamang nana. Ang gamot sa saquit na ito ay gayon.

Cun minsan mayroong naiipong tubig sa tiyan nang tauo, na yaon ang dahilang iquinapamamaga noon, at ang pan~galan sa saquit na yao,i, bilbil . Ang tubig ay gungmagala at nagbabago nang lugar, cun ang may catauan ay nagbabago naman nang lagay; ang pulso ay munti, madalas at matigas tigas; caunti ang inaiihi nang maysaquit; nauuhao siyang parati, yungmayayat, at ang paghin~ga ay mahirap; ang maysaquit ay nanhihina pa mandin cun malauon, nag-uubo siya, at may lagnat na caunti.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap