United States or Sweden ? Vote for the TOP Country of the Week !


Mabuti ring isacay ang maysaquit sa carretón, datapoua,t, painumin muna nang maraming maraming tubig na pinaglagaan nang cebada, ó palay, cun tubig na may casamang gatas; at cun minsan itong yagyag na paglacad nang carretón nacacapagpaputoc sa sibol. Ang gagauin sa maysaquit, pag nacaputoc na ang sibol sa baga.

Datapoua,i, atohin ang uica co sa itaas sa párrafo 46, at cun baga ang calacasan nang pag-uubo yaon ang di icatulog niya, painumin cun gab-i nang dalaua ó tatlong cuchara nang bilin sa número 16, na isasama sa isang basong tubig na pinaglagaan nang cebada ó palay .

At pag nauala na ang sin~gao sa bibig, cun ang maysaquit hindi nag-iilaguin nang malacas ay purgahin nang bilin sa número 23, at painumin naman nang bilin sa número 12, ó sa número 13, at ito rin ang caniyang ipagmumumog. Cun totoong hindi macalonoc ang maysaquit dahilan sa sin~gao nang bibig, ay ang gatas na tinutubigan ay isama sa ibinabaños, at sa isinusumpit sa caniya.

Cun tila maitim yaong sungmisin~gao sa bibig, at yao,i, casama nang ibang saquit, ó lagnat na malaqui, lalo na cun mahirap ang pacaramdan nang may saquit na parating nagsisin-oc, at dungmoroal, at hindi lumagay, ay painumin arao-arao nang timbang saicapat ó cahati nang bilin sa número 14; at ang caniyang ipagmumumog ay ang turo sa número 76.

Touing calahating oras ay painumin ang maysaquit nang bilin sa número 8, ga isang cuchara carami ang isang inom. Painumin din nang marami nang turo sa número 12. Parapitan sa man~ga binti nang bilin sa número 36. Ang pagsasangra doon cun minsan ay cailan~gan, cun ang maysaquit ay mataba niyong hindi pa siya dinaraanan nang hindi macahin~ga, at cun ang pulso,i, malacas at puno.

Cun ang babayi hindi na dinaraanan nang panahon sapagca siya,i, matanda na, cun baga bigla ang pagtahan, ó ang pag-urong nang bouan, at dati siyang pinananaugan nang malacas, ay gagamutin nang gayon: Ang maysaquit ay sasangrahan, at cun macalalo ang anim, apat ó tatlong bouan, ay sasangrahang uli. Houag pacanin nang maraming carne ó itlog, at houag painumin n~g alac.

Touing oras iinumin niya naman ang isang cuchara nang bilin sa número 77. Cun baga nahahalatang marami ang sicmura ayon sa aral sa capítulo 88, ay magaling painumin nang pasuca número 34, ó cun hindi ibig nang maysaquit yaon, ang turo sa número 8, ay na-aari.

Ang pinagmumul-an nitong saquit ay yaong man~ga sinabi co sa párrafo 344. Cun ang saquit ay bago pa, cun minsan gagaling ang may catauan, painumin lamang nang biling sa número 8, ó sa número 72, ayon sa turo co sa párrafo 346.

Cun baga tungmatahan ang pagdahac nang may sibol sa baga, pasipsiping agad nang sin~gao nang tubig na mainit ayon sa turo sa número 53; touing oras bibig-yan nang isang cuchara nang turo sa número 8 at bucod dito,i, painumin nang maraming totoo noong bilin sa número 12; at cun siya,i, nacacacaya, ay lumacad ó sumacay sa cabayo.

Painumin nang maraming tubig na malacuco na pinaglagaan nang culutan ó palay. Ang pasuca at ang purgang matapang capoua masama sa caniya. Sa tiyan ay lalag-yan nang man~ga basahang babad sa malacucong tubig, at pagca tuyo ay doroonan nang iba. Cun hindi nauauala ang pagsaquit nang sicmura ó tiyan, ang maysaquit papambohan sa tubig na mainit-init.