United States or Brazil ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang isa pang magaling doon ay ibabad sa malacucong tubig ang paa nang maysaquit, at painumin nang bilin sa número 20. Ang suero nang gatas ay maigui doon naman. Gayon ding mabuti purgahing maminsan minsan ang maysaquit nang bilin sa número 21.
Ang gamot dito ay iba-iba lamang nang caunti sa guinagaua doon sa lagnat na buloc . Ang maysaquit ay paiinumin nang marami nang turo sa número 3; at cun siya,i, nalagnat nang dalaua ó tatlong arao cun baga nahahalatang marumi ang sicmura dahil sapagca ibig niyang sumucang parati, ó siya,i, sungmusuca n~ga, ó mapait na totoo ang bibig, ay big-yan nang bilin sa número 34 ó 35; at cun hindi rin nauauala yaong capaitan nang bibig, at ang pagca ibig niyang sumuca, ay purgahing maquiilan nang bilin sa número 24 ó número 21 man, cun malacas ang may catauan.
Touing umaga,i, palolonocquin nang tatlong píldoras número 78; at pagca lon-oc noon, ay paiinumin tuloy nang dalauang taza nang bilin sa número 12. Mabuti ring purgahing maminsan-minsan nang turo sa número 21.
Salita Ng Araw