United States or Cook Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang pinagmumul-an nitong saquit na ito ay ang han~ging malamig na casama nang ulan, ang pagbasa, ang pagtin~gin nang malauon sa maputi, ang pagcapuyat, ang pagsulat, ang pananahi, ang pagdurugtong nang abacá cun gab-i, ang biglang pag-urong nang pauis, ang pag-inom nang alac na marami, ang mahabang pag-ulan, ang calimitan nang pag-gaua nang mahalay, at ang pagtahan sa man~ga mababang lupa.

Ang pinangagalin~gan nitong saquit ay ang pag-urong nang pauis, ang paglacad sa lupa cun bagong nacaulan at mainit ang arao; ang pagtapat sa han~ging malamig, ang pagbasa, ó ang pag-uiuica ó pagcacanta nang malauon, ang pagtulog na basa ang damit, ó ang pag-inom nang malamig na tubig, cun bagong galing sa init ang may catauan.

Mabuti samahan ang bacal n~g dita ó anis Ang man~ga bilin sa número 54, 55 at sa 56, totoong mabubuting gamot sa saquit nang pag-urong n~g sa panahon; ang mangagamot ay pipili doon sa tatlo, nang lalong bagay sa calooban nang maysaquit. Cun ang ibig lamang ay ang panaugan n~g sa bouan ang babayi, ang alac na bilin sa número 55, ay nacacagaling agad sa may saquit.

Gayon din ang pag-urong nang panahon sa man~ga babayi, ó ang pagtahan sa totoong init, ó ang lauong pag-uubo, cun minsan ay sinusundan nang paglura nang dugo. Ang gagauin sa nagcacasaquit nang gayon ay untian ang caniyang cain; houag painumin nang alac: painuming parati nang bilin sa número 2; bagay sa maysaquit ang pagcain nang bun~ga nang sampaloc, ó nang ibang man~ga bun~gang hinog nang cahoy.

Ang dahilan nang saquit na ba-balingtamad ay ang pag-inom nang alac na marami, ang pag-urong nang pauis, ó pinacataib nang catauan, ang paglacad cun gab-i, ang han~ging malamig na may casamang ulan, at ang calaputan nang dugong mainit. At cun hindi paual-in muna itong calaputan, ó cainitan nang dugo, hindi lilitao uli ang pauis. Cun minsan itong saquit ay casama nang escorbuto ó nang pan~giqui.

Ang man~ga babayi malimit daanan nitong hirap na ito, at lalo pa ang man~ga mahihina. Sarisaring dahilan ang pinan~gagalin~gan nang ganitong saquit. Ang man~ga litid nang catauan, ang sicmura, ang man~ga bituca, ang dugong may calahoc na masama, ang pag-urong nang sa panahon, ó ang di pagpanaog para nang dati, ó cun minsan naman ang malaquing tacot ó galit, ó ang pagdadalamhati nang may catauan.

Cun baga namamagang uli ang tiyan, ay catudloquin pa nang marunong sa ilalim nang unang tudloc. Basahin mo ang nota nang párrafo 348. Ang gamot sa namamaga ang man~ga paa. Ang pamamaga nang paa ay marahil humalili sa lagnat na pan~giqui, sa saquit na hica, sa culebra, sa pag-iilaguin nang malacas, sa man~ga lagnat na ualang hibas, sa cabuntisan, at sa pag-urong nang sa bouan sa man~ga babayi.

Cun baga nahahalatang hinihica ang may catauan dahil sa pag-urong nang ibang saquit para nang galis, buni, ó piyo , ay magaling doon ang parapit número 36 sa binti ó sa talampacan ayon sa aral sa capítulo 54.

Ang pinagmumulan nang sipón ay ang pag-urong nang pauis nang catauan at ang cainitan nang dugo. Ang calaunan nang saquit na sipón ay bagay-bagay. Ang sipón nang ulo, hindi lubhang nalalauon; datapoua ang sa dibdib ay malauon sa roon. Cun nalalauon ang sipón, ay masama, sapagca dahilan sa calacasan nang pag-uubo, nagcacaramdam ang boong catauan, at napapasaulo ang dugo.

Cun ang babayi hindi na dinaraanan nang panahon sapagca siya,i, matanda na, cun baga bigla ang pagtahan, ó ang pag-urong nang bouan, at dati siyang pinananaugan nang malacas, ay gagamutin nang gayon: Ang maysaquit ay sasangrahan, at cun macalalo ang anim, apat ó tatlong bouan, ay sasangrahang uli. Houag pacanin nang maraming carne ó itlog, at houag painumin n~g alac.

Salita Ng Araw

nagpacahandusay

Ang iba ay Naghahanap