United States or Papua New Guinea ? Vote for the TOP Country of the Week !


Cun baga hindi maalam magmumog ang maysaquit, ang caniyang ipagmumumog pinatatama nang sumpit na munti, na cauayan man, doon sa caniyang lalamunan; itong ganitong pagsumpit ay totoong buti, at cun minsan siya ang iquinapagpapalabas nang maraming malalagquit na cungmacapit sa ilalim nang lalamunan, at siya rin ang iquinaguiguinhaua nang maysaquit.

Cun baga caya hindi macahin~ga ang maysaquit, ay dahil sa mayroong naninicquit na man~ga malalagquit doon sa caniyang baga, na caya nahahalatang gayon, ay sapagca siya,i, dating masasactin, ó mahina, ó hicain siya, ó nananab-ang ang pagcain, ó ang quinacain niya ay ang man~ga ualang sustancia, ó siya,i, ungmiinom na parati nang mainit na tubig, at bucod dito ang caniyang pulso,i, munti malambot, at siya,i, namumutla; ang gagauin doo,i, gayon.

Ang nagcacasaquit nang ganitong saquit, cun minsan dínaraanan nang pagca ibig sumuca, gaua nang man~ga malalagquit na lura na naniniquit sa lalamunan; caya tandaan ito nang mangagamot, na houag big-yan nang pasuca ang maysaquit at masama sa caniya yaon.

Caya gayo,i, sapagca anomang isilid sa sicmura nang tauo na may dumi sa loob, nabubuloc pagdaca at nacasasama bagcus sa caniya. Cailan~gang linisin muna ang sicmura, at painomin ang nalalagnat nang man~ga bagay na nacacatunao nang man~ga malalagquit na dumi doon.

Ang ibang gagauin doon ay isa rin nang itinuturo sa capítulo 20, nang lagnat nang apdo . Ang Pulmonía Falsa. Nota. 2. Mayroong isa pang bagay na Pulmonía na hindi totoo, na marahil dumaan sa man~ga matatanda, ó sa man~ga bata, ó sa man~ga tauong mahina, cun bagong nagtatag-arao, na yao,i, dala nang man~ga malalagquit na cungmacapit sa baga nang may catauan.