United States or Sudan ? Vote for the TOP Country of the Week !


Cun minsan naman caya sinasauan, ó sinusubaan ang bata, sapagca ang gatas nang nagpapasuso sa caniya ay masama; sa macatouid, cun ang nagpasuso ay nagagalit nang malaquing pagcagalit, ó namanglao, ó natacot, ó napagod nang paggaua, ó nainitan, ó nacacain nang man~ga cun ano ano, ó nagcasaquit, ó nacainom nang alac, ó cun pinananaugan nang panahon, cun datidating sungmasama ang caniyang pagcaramdam, cun pinananaugan siya nang sa panahon.

Ang pagtama nang saquit ay pagca siya,i, nacacain nang man~ga maiinit, ó nacainom nang alac, aguardiente, café, ó mainit na chá; ó sapagca siya,i, inarauan, ó napatahan sa mainit na lugar, ó cun siya,i, nagsaquit gumaua ó nag-iisip nang maliuag, at bucod doon, ay namumula ó namamantal ang caniyang muc-ha.

Cun minsan naman, cun nahuhulog ó lungmulucso ang babaying buntis ó cun lungmacad nang matulin, ó nahirapan nang pag-gaua, ó cun inarauan, ó cun sungmusuca, ó nagalit, ó natacot, ó cun nacainom nang maraming alac ó cha, ay sungmasaquit ang caniyang bay-auang na yaong saquit ay ungmaabot hangang hita, bago sumunod doon ang pagsaquit nang tiyan, na dahil doo'i, nahahalatang macucunan siya.

Gayon din ang salagsalag, na nadoroon sa número 34 ay sucat ang ibabad sa tubig hangang nagdarasal ca nang isang Aba Guinoong Maria . Ang iguio sa número 35 naman ay sucat na sa maysaquit na malacas ang timbang saicaualong mahiguit higuit noon. Datapoua mayroong tauo, na nacainom nang timbang saicapat, cun siya totoong lacas nang catauan.

Salita Ng Araw

lubos

Ang iba ay Naghahanap