United States or Iraq ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang tauong sinusubaan dahilan sa man~ga maruruming nadoroon sa caniyang sicmura, mabuti paamuyin nang anomang matapang na amoy, at painumin n~g tubig na malacuco, na pinaglagaan nang manzanilla ó sambong ó bulaclac nang alagao. Pag nasaol-an ang maysaquit ay big-yan ilang arao cun umaga nang bilin sa número 38.

Ang gamot sa sinusubaan dahilan doon, ay ang suca, na ang calahating bahagui ay tubig na malacuco, na ipa-aamoy sa maysaquit; ang noo, ang quibotquibotan, at ang galang-galan~gan nang camay niya, ay babasain noon ding sucang tinubigan; at painumin siya naman nang dalaua, ó tatlong lag-oc nang suca rin, na ang tubig ay marami sa calahati.

Pag ang babaying sinusubaan ay nasaol-an na, ay hindi sucat itahan ang pag gamot doon, at ang saquit ay uuli rin caalamalám, cundi alisin ang pinacaugat na pinan~gagalin~gan noong hirap na yaon. Caya ang gagauin sa may cataua,i, gayon: Houag pacanin siya n~g marami, lalo pa cun gab-i. Ang pagpambo sa malamig na tubig ay totoong buti doon; ang pagtahan nang malauon nasa hihigan ay masama.

Cun hindi nasasaol-an pa ang maysaquit, nang macalalo ang saicapat na bahagui nang isang oras, ay sasangrahan sa camay. Pagca sangra na, ay maigui sumpiting minsan, at touing calahating oras paiinumin nang isang tazang tubig na pinaglagaan nang bulaclac nang alagao, na sinasamahan nang caunting azúcar at suca . Nota. Cun babayi ang sinusubaan dahil sa siya,i, marugo, ganito rin ang pag-gamot doon.

Ang dinaraanan nang malaquing galit, ó toua, ó nabalitaan nang masamang balita, ó ang sinubaan, ó dati nang sinusubaan, ó nadesmayo, at saca tila natuluyang namatay, ay hindi sucat pabayaan, at cun minsa,i, hindi patay ang may catauan, at masasaol-an nang buhay.

Itong man~ga turo co sa dalauang párrafong itong magcasumunod ay yaon ang totoong sucat gauin pati sa nan~ganac na sinumpong nang tacot, pati sa man~ga bata. Ang gagauin sa dinaraanan nang anomang bagay na convulsión, para nang alferecía, sauan, etc, pati nang gagauin sa babaying sinusubaan. Iba,t, iba ang inaasal nang man~ga dinaraanan nang convulsión.

Ang sinusubaan dahil sa siya,i, nasangrahan, ay hindi cailan~gang gamutin, at mauauala pagcaraca yaon, capag siya,i, humiga, ó cun paamuyin nan suca , at painumin nang caunting suca rin, na may calahoc na tubig.

Ang sungmusunod sa tacot, ay ang pan~gin~ginig nang catauan at ang pagca balisa nang maysaquit, lalo pa cun ang puso at ang baga ay napacapuno nang dugo. Cun minsan nama,i, sinusubaan, at nasisira ang bait. Cun baga ang may catauan inuurun~gan nang dating pauis dahilan sa siya,i, natacot, cun minsa,i, dinaraanan n~g malauong pag-iilaguin.

Ang man~ga sangol ay sinusubaan cun sila,i, sisibulan nang man~ga bulutong, datapoua,i, hindi sucat alumanahin yaon; alintana masamang subaan, cun baga nacaurong ang pagsibol nang bulutong, ó cun magnanana na. Cun minsan naman binabalin~goyn~goy ang binubulutong bata ma,t, matanda man; at ito,i, magaling na totoo sa maysaquit.

Gayon din ang gagauin pag ang tauo,i, sinasauan dahil sa siya,i, bubulutun~gin ó titicdasin. Cun baga caya sinasauan ang may catauan sapagca siya,i, mayroong bulati sa tiyan, ay gagamutin para nang turo sa capítulo 85. Ang gagauin sa babaying sinusubaan na yaong saquit na yao,i, pinan~gan~ganlan nang castilang mal de madre. Itong saquit na ito,i, maliuag matapatan nang gamot.

Salita Ng Araw

mapisan

Ang iba ay Naghahanap