United States or Spain ? Vote for the TOP Country of the Week !


At cun maquita na ito ang pinag cadahilanan nang pag nanasang mag pare nang canilang anac, ay houag pahintulutan. At cun naquiquitang ualang gayac na cabanalan, cahima,t, mag pilit ay pacasansalain. Marami pa,t, madla ang bagay na sucat masaysay sa inyo, ayon sa catungculan nang magulang sa anac, n~guni,t, di co na saysayin, yamang sa buhay ni Tobias ay marami cayong maaaninao.

Magpahangan niyon ay hindi siya macapan~gahas na lumayong lubha sa caniyang tahanan sa pagcatacot sa mababan~gis na hayop, at man~ga tauong bundoc, na baca sacali,y, mayroon sa iláng na yaon; datapoua,t, sa pagcacailan~gan nang pagcain, ay lumacad siya nang may calayuan, nang macaquita n~ga nang ibang bagay na sucat macain.

Di sucat masabi at catacatacang anyò ni Robinson sa damit na yaon, at ang man~ga sandata at casangcapan na caniyang dala: nababalot magmulâ sa paa hangan sa ulo nang may balahibong balat; nasasacbat sa licod ang malaquing palacol na bató; nasasabit sa balicat ang caniyang supot, ang caniyang pan

Tungcol, , sa manga bagay na ito,i, maraming-marami acong sucat salitain sa inyo.

Ang gamot sa tiboc, na cun turan nang castila,i, panadizo, ó panarizo. Ang tinatauag nang tagalog na tiboc ay sungmisibol sa man~ga dulo nang daliri, at totoong sungmasaquit. Itong ganitong sibol ay hindi sucat hamaquing pabayaan, sapagca cun minsan ay nabubuloc at nasisira pati nang buto nang daliri, cundi gamutin pagcaraca. Cun minsan ay namamaga ang boong camay hangang itaas.

Ito may binata't sa calac-ha'y supling; n~gunit cagaui-ang liban~gang hilahil, ualang ibang bati't bunot ang patalim cay Benvolio, cun di ang ganitong turing: Aniya, n~gayo'y batid ang mahal mong canan cumaliz sa duc-ha'y nau-ucol lamang, pagcat casing uri mayroon pa naman sucat macalapat at icadadan~gal.

Na buloc na,t, hindi sucat na matiis yaong sumisin~gaw na bahong malabis, nang cay Margaritang abutin nang titig sumicdo-sicdo na ang caniyang dibdib. Uinauari niya ang kinahinatnan n~g gayong cakilakilabot na bagay, na sinalubong n~g caniyang caauay tinadtad n~g sugat hangang sa napatay.

Sa maquita cong nangyayayat at cahit sinasayahan ang mucha, ay nahahalata rin ang dinaramdam na dalamhati ay di co natiis at tínanong cong minsan: Cumare tila may dinaramdam cang saquit at cadalamhatían Cumpare ang sagot sa aquin, cun maminsan minsan, at aco,i máy, dinaramdám na pighati sa loob, ay ualá acong pang gamót, cun di ang calun~gin co ang anac co, at ulit ulitin cong hagcán . Ang sagót na ito,i, di na dinugtun~gang catagá man: aco nama,i, nagtindig na sa salitaan, nahambal aco, at ang aquing luha,i, nan~gin~gilid sa mata ¡Oh! babaye na sucat pagcunang ulirán nang may man~ga asaua!

Sucat alalahanín nang man~ga namamaling binibini ang malinis na uaní nang isda, na tinatauag na Pesmulier . Ang isdang ito, ang sabi, ay may suso sa dibdib, ang palicpic ay malalapad: pagnahuli nang man~gin~gisda, caraca raca ay ibanababá ang palicpic at itinataquip sa dibdib at nang di maquita. ¡Magandang caasalan na sucat pagcunang halimbaua nating man~ga babaye!

Saca cun tatatapin ang sugat, ay aalisin ang hilas na hindi totoong naniniquit doon, sapagca ang hilas na totoong cungmacapit sa sugat, ay hindi cailan~gang ugcain; doonan lamang nang iba pang bago at sucat. Ito lamang gauang itong itinuro co n~gayon ay nacabababao sa maraming sugat, at hindi nagnanana; at cun baga nagnanana, ay tapalan nang caunting ungüentong madilao número 46.