United States or Japan ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ito,i, bagong tauo, na lalabing siyam ang bilang nang taon na linalacaran, naguing caquilala,t, laguing capanayam niyong Eliseo sa caulilahan. Siya,i, unang bugtong na ipinan~ganac nang inang si Florang di na nagcapalad na hagca,t, calun~gin ang angel sa dilag, caya,t, sa cay Fabiong ama ay nalagac.
Sa maquita cong nangyayayat at cahit sinasayahan ang mucha, ay nahahalata rin ang dinaramdam na dalamhati ay di co natiis at tínanong cong minsan: Cumare tila may dinaramdam cang saquit at cadalamhatían Cumpare ang sagot sa aquin, cun maminsan minsan, at aco,i máy, dinaramdám na pighati sa loob, ay ualá acong pang gamót, cun di ang calun~gin co ang anac co, at ulit ulitin cong hagcán . Ang sagót na ito,i, di na dinugtun~gang catagá man: aco nama,i, nagtindig na sa salitaan, nahambal aco, at ang aquing luha,i, nan~gin~gilid sa mata ¡Oh! babaye na sucat pagcunang ulirán nang may man~ga asaua!
Salita Ng Araw