United States or Azerbaijan ? Vote for the TOP Country of the Week !


Tanang malumanay na pananalan~gin niyong may calin~gang Ináng nag-aángkin, sa cay Margaritang puso ay natanim caylan may di na mangyaring limutin. At dinadasal niya nang cataiman caacbay ang puspos na cadakilaan, hagang huling taón niyang paglalabay sa cahapishapis at hamac nabayan.

Siyang pag-cahuli sa parayang pain nang cay Margaritang cabata-ang angkin, lugsong cabaita,i, hindi macapiguil bagcus nag-hihigpit nang calaguim-laguim. Binidbid ang gayong caparan~galanan nang lalaking tacsil na caugalian, nahulog sa ban~gin niyong cahalayan ang pag-mamarikit itong pakinabang.

Huag matacot ca,t, ilagay sa akin ang gracia ay iyong catibayang kimkim, huag sa sarili ay umasang tambing ang nasang tagumpay nang upang tamuhin. Sa cay Margaritang biyayang kinamtan bilis nang pagtacbo niyong cabanalan, sa landas lalo na,t, ang tucsong caauay ay inuusig siya,i, bagcus tumatapang.

Ang cay Margaritang naguing pamumuhay hapo na sa gapos niyong cahalayan, at di napupuna sa caniyang paanán ang ban~ging malalim na cabubuliran. Linalagyan din n~ga cung minsan n~g Dios nang pait, ang man~ga mahalay na lugod, pinaparam yaong pacumbabang handog na capayapaang paconuaring dulot.

Na buloc na,t, hindi sucat na matiis yaong sumisin~gaw na bahong malabis, nang cay Margaritang abutin nang titig sumicdo-sicdo na ang caniyang dibdib. Uinauari niya ang kinahinatnan n~g gayong cakilakilabot na bagay, na sinalubong n~g caniyang caauay tinadtad n~g sugat hangang sa napatay.

Binabayaran n~g Dios n~g sagana ang iniaálay sa camay n~g duc-ha, ang cay Margaritang handog at calin~ga pinatiticman na dito pa sa lupa. Yaong na sa lan~git na caligayahan na tantong malaking capakinaban~gan niyong calulua,t, naguiguing dahilan n~g pagpapaualang halaga sa buhay.

Sa cay Margaritang dinidilidili ang gayong calunos-lunos na nangyari, sa lugod at layaw ay lubhang nauili n~gayo,i, lubos naman ang pagcaruahagui, Ualang hangang hirap doon sa Infierno ang ganti sa munting ligaya sa Mundo, sa sandaling tua,i, nacapalit nito hirap casakitang hindi mamagcano. Capitulo 3.°

Dito pinasucan nang paghihinala ang cay Margaritang loob na mahina, nag-ulol ang sindac na hindi cauasa sa taghoy nang ásong hindi nagsasaua. Lumacad nang doon sa áso,i, sumunod sa daang itinuturo,i, naglalagos, bahagya pa lamang dumarating halos sa may calalimang ban~gin ay nataos.

Madaling pagdin~gig ay napagkilala sa lahat nang man~ga carain~gan niya, loob niya cung minsan ay binuhay pa sa pag-papanayam at pagdalaw bagá. Bucod dito,i, siya,i, pinagca-looban nang Dios, nang graciang camahal-mahalan, bagong Magdalena ang siyang cabagay nang cay Margaritang biyayang kinamtan.

Salita Ng Araw

nagpacahandusay

Ang iba ay Naghahanap