United States or Tokelau ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang ating Pili, ay hindi marunong magsinungaling, hindi marunong magbintang sa capoua tauo, hindi marunong mag-upasala; at cung baga sacali,t, siya,i, nagsalita sa iyo nang anomang bagay tungcol cay Proper, ay asahan mo, na iyan, ay hindi gaua nang casamaan nang loob ni Pili, cundi gaua lamang nang cahigpitan nang caniyang conciencia , ó gaua caya nang catalasan nang caniyang pag-iisip, na umabot sa hindi ta maabutan. ¡Salamat nang maraming-marami sa ating Pañginoon Dios, cung ang lagay nang caloloua,t, catauoan ni Proper ay maigui na para nang ninanasa mo,t, ninanasa co naman!, subali,t, houag mong paguicaan si Pili nang caunti mang uicang masama. ¡Marahil siya,i, nasa catouiran, at cata,i, malayo!

Pinaquingan co, pong, maigui itong hatol nang tatay co, at baga man, tila, may cumucutcot at humahalucay sa aquing dibdib, ay umayon aco,t, umalinsunod sa calooban nang aquing magulang nang puspos at lubos na pagsunod; At ngayong oras na ito,i, masasabi co, , sa inyo, na aco,i, nagpapasalamat at nagpapasalamat nang maraming-marami sa aquing namatay na ama, dahilan sa magaling na pagtuturo niya sa aquin.

Tungcol, , sa manga bagay na ito,i, maraming-marami acong sucat salitain sa inyo.

Comusta nang maraming-marami si tatay at si nanay, pati ibang mañga camag-anac natin. Ipagpacomusta mo aco naman cay Doni anac ni Capitang Valer, at mag-utos ca nang balang maguing calooban mo dito sa cababa-babaan mong capatid, na si Prospero Baticot.

Icao,t, icao,i, siyang inaalaala cong palagui, baca gaua nang cabataan mo,i, icao ay mapahamac. Si tatay at si nanay, at gayon din ang mañga camag-anac natin ay nagpapacumusta sa iyo nang maraming-marami. Aua nang Pañginoon Dios, ay mabuti at ualang saquit caming lahat.

Salamat, , ang uinica ni cabezang Dales sa Cura, salamat, , nang maraming-marami, at cung sana sa bulag, ay pinamumulat, , ninyo ang aquing mata. Aco, po,i, nagpapaalam na sa inyo, cung uala, , cayong ipag-uutos sa aquin.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap