United States or Guinea-Bissau ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang sipón ay catulad nang saquit na pulmonía, pleuresía,t, garrotillo, munti lamang ang saquit; cun sinisipon ang tauo, ay namamaga rin nang caunti ang baga sa loob nang dibdib, ó ang ibang man~ga casangcapang naroroon sa ilong, sa noo, ó sa pisn~gi. Ang sipón hindi sucat hamaquing pabayaan, at cun minsan nacahihila nang man~ga saquit na malaqui sa dibdib, ó sa ibang lugar nang catauan nang tauo.
Ang gamot sa tiboc, na cun turan nang castila,i, panadizo, ó panarizo. Ang tinatauag nang tagalog na tiboc ay sungmisibol sa man~ga dulo nang daliri, at totoong sungmasaquit. Itong ganitong sibol ay hindi sucat hamaquing pabayaan, sapagca cun minsan ay nabubuloc at nasisira pati nang buto nang daliri, cundi gamutin pagcaraca. Cun minsan ay namamaga ang boong camay hangang itaas.
Cun baga magaling man ang may catauan, may natitira pang caunting masaquit sa tiyan ó sa sicmura, ay hindi sucat hamaquing pabayaan, at caalamalam ay sisibulan nang bucol sa loob; caya ang gagauin doo,i, itutuloy yaon ding man~ga turo cong gamot sa párrafong ito, hangang sa uala nang maramdamang ano man ang maysaquit.